Kris Aquino, dedma na lang ‘pag sablay ang relasyon

Kris Aquino, dedma na lang ‘pag sablay ang relasyon

Kris-AquinoKAHIT NAMAN laging kontrobersiyal si Kris Aquino dahil sa kanyang mga nasisimulang intriga, hindi naman niya maitatanggi na mayroon siyang masayang buhay. Pero talagang hindi nga makukuha ang lahat ng saya, dahil hindi lang naman siya ang pinakamasuwerteng nilalang sa mundo. Ang mga dinaanang pakikipagrelasyon ng magaling na TV host ay laging sumasablay, at ayaw na niyang isipin kung saan ba siya nagkukulang o lumalabis.

Enjoy si Kris sa paggawa ng pelikula, lalo na kung kasali iyon sa Metro Manila Film Festival, dahil talagang pinaghahandaan niya ang proyekto ‘tulad ng mga nagdaang ilang taon. Ngayon, sobrang happy siya na nakatapos siya ng isang bagong pelikula, ang Feng Shui ng Star Cinema. Buhos si Tetay sa project na ito, dahil ang part one ng Feng Sui ang nagkaroon ng bagong himala sa career niya, dahil lahat ng pelikula niya ay kumikita sa takilya.

Sa personal niyang buhay, kahit mayroon pa ring kulang sa buhay ni Kris para makumpleto ang kanyang saya, ay ang dalawa niyang anak ang sobrang nagpapasaya sa kanya. Sa ngayon, si Bimby Aquino Yap ang alam niyang kukumpleto sa mga kakulangan ng panganay niyang si Joshua. Nagbibinata si Bimby, na ipinagsasaya ni Tetay ang mga nakabibinging papuri, na pormang guwapo na raw ang kanyang bunso. Kahit nagkahiwalay sila ni James Yap, positibong iniisip ng magaling na TV host, na tama na ang kalungkutan o ang magalit siya sa kanyang ex-husband. Dahil kung walang James Yap ay wala siyang Bimby ngayon na sobrang nagpapasaya sa kanya bilang Mommy.

ChorBA!
by Melchor Bautista