Kris Aquino, ‘bugbog’ kay Bistek

ADVERTISING

Kris Aquino, ‘bugbog’ kay Bistek

Kris-AquinoHINDI KO nagustuhan ang ginawa ni Quezon City Mayor Herbert Bautista kamakailan nang mag-guest siya sa Bandila.

ADVERTISING

Sa Q and A segment ng show, point blank ay sinagot na niya ang matagal nang naka-hanging na mga katanungan na noon pa man sana sinasagot na niya sa panahon ng kainitan ng sinasabing “relasyon” nila ni Kris Aquino.

Umiwas kasi siya. Tumahimik lang si Mayor Bistek at walang sagot sa kaliwa’t kanang pag-uurirat ng media at ng pubiko kung saan humantong ang sa kanila ni Kris. Matagal nanahimik ang media at ang pubiko nang hindi niya sinagot at paiwas ang istratehiya niya tungkol sa kinasasangkutan nila ni Kris.

Sa pananahimik ni Kris tungkol sa kanyang short-lived “relationship” with Mayor Bistek, kung relasyon mang matatawag ‘yun, iniwanan na nga niya ang Queen of All Media at naduwag siya sa reaksyon ng publiko lalo pa’t ang mga anak niyang sina Athena at Harvey kay Ms. Tates Gana ay lumayas na ng Pilipinas at pumunta ng Amerika dahil naiskandalo ang mga bata, naging unfair si Mayor Bistek kay Kris.

ADVERTISING

Nakare-recover na nga si Tetay sa naging ending nila ni Mayor at heto’t walang kaabug-abog, nilublob na nga niya ang “kapareha” sa putikan, sinipa pa niya’t dinuraan na ipinamukha on live television na mas ayon siya sa pamilya niya kaysa sa kanilang dalawa.

Kahit papaano, kahit pa-emote-emote man si Tetay sa kanyang morning show na Kris TV, natanggap na rin niya ang kinahinatnan ng sa kanila ni Mayor.

Wala kasing makapagsasabi kung ano ba ang naging istilo ni Mayor Bistik kay Tetay para mapaamo niya ang controversial TV Host para ma-in love naman itong huli sa kanya.

Wala ring makapagsasabi na sa panahon na inaamo-amo ni Mayor si Kris ay kung ano man ang sinasabi ng punong-bayan ng Lungsod Quezon tungkol sa kanila ng ka-live-in partner niyang si Tates Gana.

Sana, hindi na sinakyan pa ni Mayor ang mga katanungan sa kanya tungol sa sitwasyon ng buhay pag-ibig niya at nila ni Tetay. Total, nanahimik na rin lang naman siya noong kainitan at umiwas at nagsawalang-kibo, itinuloy na lang sana niya.

Very ungentleman para kay Mayor Bistek ang ginawa niya during his guesting sa Bandila late last week na iniwanan na nga niya si Tetay, sinapok pa niya at tinadyakan with matching black eye. I find it unfair para kay Kris na naghahanap lang marahil ng pagmamahal.

Matapos ang short interview kay Mayor Bistek, isang posting lang sa kanyang Instagram account ang ginawa ni Tetay and it says, “Silence is better than bullshit.”… na sinundan ng short commentary ni Tetay na: “And that says it all…”

Last weekend to celebrate Kuya Josh 19th birthday, kasama ang mga kapatid niya ay nag-enjoy si Tetay sa Boracay as special request of Josh. Ngayong Monday pa ang bali nina Kris sa Manila, kaya pre-traped ang kanyang segment sa The Buzz 15.

Basta ako kay Kris, wait mo na lang ang tamang panahon, tamang lalaki na muling mamahalin mo na susuklian ng unconditional love ang pagmamahal mo.

Pero may pahabol si Mayor na mahal pa rin niya si Kris. Ano ba? Kaloka!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING