Kris Aquino, bratty na, inconsistent pa

Kris Aquino, bratty na, inconsistent pa

Kris-AquinoBRATTY NA, inconsistent pa! Could Kris Aquino be any less than this?

Nu’ng presscon ng Star Cinema’s Etiquette For Mistresses, inamin ni Kris na bantulot siyang tanggapin ang naturang proyekto as it might affect her commercial endorsements bcause of her role as kabit. Ergo, pinakiusapan niya si Direk Chito Roño na alalayan siya sa kanyang role.

Kris found an opportune night sa presscon ding ‘yon to announce na tatapusin na lang niya ang natitirang linggo leaving her nightly show with Boy Abunda. Health reasons ang ibinigay ni Kris for her decision, puwera pa ang kanyang daily morning show at ginagawang pelikula for Metro Manila filmfest.

At a drop of a hat, isinilang ang Tonight with Boy Abunda.

Just recently, Kris had chickened out of the movie. Her reason: kesyo hindi raw niya ma-take ipagtuloy ang filming nito, it being much against her will. Kesyo may moral implications daw ito. Star Cinema acceded to her whimsical decision though.

Kris must be so blessed dahil nasusunod ang kanyang mga kapritso, and yet is able to get away with her impulsive decisions nang parang wala lang.

The danger, however, is that hindi pala siya isang team player dahil mas pinangingibabaw niya ang kanyang sariling interes at damdamin over her co-workers.

Well, hanggang kelan ang pagiging brattinella ni Kris? When her brother’s time is up?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III