Kris Aquino, blessing sa buhay ni Derek Ramsay

Kris Aquino, blessing sa buhay ni Derek Ramsay

Kris-Aquino-Derek-Ramsay“SHE’S A bearer of good news today. Kris is a blessing in my life!”

Ito ang naging pahayag ni Derek Ramsay sa mismong press Launch ng kanyang TV show sa Sampaguita Compound kamakailan.
Dagdag pa ni Derek, “I have a real friend at my side, a true friend by my side. And she’s so good to my mom. She’s so good to my family. You know how nice and sweet she is.”

Happy nga raw si Derek dahil maganda ang takbo ng kanyang career, kung saan may bago siyang comedy sitcom, ang Mac and Chiz, kasama sina Empoy Marquez, Bianca King, Jojo Alejar, and John Lapuz.

 

Sheryl-CruzSheryl, nalungkot sa nangyari sa tatay-tatayang si Kuya Germs


‘DI MAIWASANG
malungkot ni Sheryl Cruz na isa sa anak-anakan ni Kuya Germs sa kanyang defunct show na That’s Entertainment sa sinapit ng kanyang ama-amahan sa showbiz na na-mild stroke kamakailan.
Tsika nga ni Sheryl na kamakailan lang niya nalaman ang nangyari kay Kuya Germs, kaya naman nangako itong dadalaw kaagad para bisitahin ito at malaman na rin ang lagay ng Master Showman.
Umaasa nga si Sheryl na gumaling na ito dahil maraming mga kabataan daw at mga artistang nagmamahal dito ang naghihintay ng kanyang pagbabalik-showbiz.

 

Steven-Villareal-WeddingDating taga-That’s na si Steven Villareal, ikinasal na 

 

IKINASAL KAMAKAILAN lang ang former That’s Entertainment member na si Steven Villareal kay Ms. Eva Mariam G. Dulatre na tubong San Mateo, Isabela sa Archdiocese of Manila, Immaculate Concepcion Parish, kilalang simbahan ng San Agustin sa Intramuros.

Ilan sa mga tumayong mga ninang nila ay sina Coun. Re Fugoso, Ms. Crispina Belen, Chairwoman Arlene Divina Gracia, Ms. Nona Peralta, Ms. Juana Gapasin, Ms. Trinidad Gabayan, Ms. Natividad Alcantara, Ms. Leony de Leon, Rose Gardner, Flocerfina Gabayan, and Aida Ramos. Samantalang mga ninong nila ay sina Atty. Luch Gempis, Mr. Bert Villarosa, Mr. Allan Abiertas, Mr. Mamerto Antonio, Sr., Mr. Dominador Mejia, Mr. Maximiano Gabayan, Mr. Romeo Gapasin, Mr. Bernabe Marcos, Mr. Rudy Dilla, and Mr. Sagar Verma.

John’s Point
by John Fontanilla