Kris Aquino at Bistek, ayaw nang i-share sa publiko ang relasyon

ADVERTISING

Kris Aquino at Bistek, ayaw nang i-share sa publiko ang relasyon

Kris-Aquino-Herbert-BautistaPINAG-USAPAN DIN ang ipinost ni Kris Aquino sa Instagram account niya na litrato ng family dinner nila na kasama roon si Mayor Herbert Bautista.

Ang tagal na pinag-usapan ‘yun kaya tinanggal na lang niya tuloy.

Inayos na lang niya ang litrato na sina Bimby, si Joshua at si PNoy ang nakikita na lang sa litrato.

Pero hindi na rin naman nila maitago dahil nakikita naman silang lumalabas.

ADVERTISING

‘Di ba marami naman ang nakakita sa kanila sa Starbucks sa may Imperial sa Tomas Morato?

Anyway, umamin na rin naman pala si Kris. Nagsalita na ito sa programa nila ni Boy Abunda at nagbigay ito ng statement tungkol sa relasyon nila ni Herbert.

Tama na raw na inamin na niya. Hindi na raw sila magsasalita tungkol du’n dahil mas gusto raw nilang private na ang kanilang relasyon.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING