Kris Aquino, balik-TV para tapatan ang morning show ni Marian Rivera

ADVERTISING

Kris Aquino, balik-TV para tapatan ang morning show ni Marian Rivera

Kris Aquino & Marian Rivera
Kris Aquino & Marian Rivera

Sa tanggapin man o hindi ng mga anti-Kris Aquino—for some reason or another—mornings on TV ay walang kaganang-ganang salubungin kapag wala ang soon to be ex-presidential sister.

But good news para sa mga tagahanga pa rin ni Kris Aquino, pretty soon ay balik-morning TV na siya dahil matatapos na ang kanyang bakasyon.

Matatandaang kinailangan niyang tumalikod sa showbiz (for the nth time!) dahil sa maraming dahilan. Una, kesyo she needed to address certain health issues. At nitong huli, ikinatakot daw niya ang bantang pagdukot umano sa kanya ng isang bandidong grupo.

Pero sa balitang pagbabalik ni Kris, naiimadyin na namin ang nakaambang kumpetisyon sa pagitan ng dalawang “reyna”—si Kris bilang Queen of All Media at ng misis ni Dingdong Dantes na binansagan namang Primetime Queen ng kanyang istasyon (kahit wala pa namang show na ipinalalabas muli sa primetime!).

ADVERTISING

So, sino sa kanilang dalawa ang bet n’yo? Personally, I may not like Kris, pero kung sa husay at husay rin lang niyang mag-host, ‘di hamak na mas kapanood-panood siya, ‘no!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING