Kris Aquino, balik kay Vicki Belo

Kris Aquino, balik kay Vicki Belo Kris Aquino, balik kay Vicki BeloSUNUD-SUNOD NAMANG DAGOK itong nangyari kay Anjo Yllana na pagkatapos niyang matalo sa nakaraang eleksiyon, namatay naman ang kapatid niyang pinaka-close sa kanya.

Pagkatapos lang ng eleksiyon, inatake sa puso itong kapatid niyang si Robbie Yllana na ilang araw ding na-confine sa hospital.

Mahigit sampung taon na raw itong may sakit na diabetes pero malakas pa rin daw kasi kumain kaya lagi itong sinasaway ni Anjo.

Ito nga raw si Robbie ang pinakaalaga nila nang husto o pinaka-spoiled sa kanila dahil espesyal ito sa kanilang magkakapatid. Ito lang ang wala sa showbiz kaya lahat ng gusto nito ay ibinibigay nila.

Sabi naman ni Jomari, parang lucky charm daw sa kanila itong si Robbie kaya sobrang alaga nila ito.

Kilalang-kilala ko itong mga magkakapatid na Yllana kasi malapit sila dati sa bahay namin. Naging classmate pa nga iyan ng anak ko na madalas pa silang nag-aaway.

Kitang-kita ko kung gaano kasakit ito kay Anjo pati sa Mommy niya at mga kapatid dahil kahit hindi pa nga raw sila handang iwan na sila ni Robbie.

Sabi nga ni Anjo wala siyang magagawa kundi magpakatibay para sa kanyang pamilya dahil siya na ang tumatayong ama sa kanilang lahat.

Ngayong araw na ang libing ni Robbie sa may Himlayang Pilipino katabi ng puntod ng kanilang ama.

Nakikiramay kami kina Anjo at sa buong pamilya sa maagang pagpanaw ni Robbie.

DAHIL SA PAGBABATI uli nina Kris Aquino at Dra. Vicki Belo, napag-usapan namin sa Startalk nu’ng Sabado na sa showbiz, totoo nga bang “there’s no permanent friends, only permanent interest.”

Sabi ko nga, show business ‘yun, eh. ‘Di business lang talaga. Huwag na lang seryosohin ang mga nag-aaway-away sa showbiz dahil darating ang araw magkakaayos din kung kailangan na nila ang isa’t-isa.

Bumalik na nga si Kris bilang endorser ng Belo Medical Group at pumirma na ito ng three-year contract.

Magtataka pa ba tayo? Kaya makisakay na lang tayo sa drama nila.

Sabi naman ni Dra. Belo eversince, hindi naman sila nag-away talaga ni Kris at wala naman daw siyang sinasabi laban dito. Nagkaroon lang ng konting tampuhan pero hindi naman daw siya nagtanim ng sama ng loob.

Naniniwala naman siyang magkakaayos sila at magiging friends uli. Kaya ayan na nga! Masaya na ang lahat dahil friends na sila uli.

Hindi ko pa nakausap si Kuya Boy Abunda pero may blessing naman daw niya ito at siya nga yata ang nag-ayos ng pirmahan ng kontrata.

Malalaman din natin iyan dahil mag-kakaroon ng interview si Kris kay Dra. Belo.

Nu’ng Sabado ay umalis pa-Amerika si Dra. Belo na tiyak kong sumunod iyan kay Hayden Kho para maki-celebrate ng birthday ng huli na ka-birthday ko pa. Bongga, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis