Kris Aquino, bagong past time ang pumatol sa bashers

ADVERTISING

Kris Aquino, bagong past time ang pumatol sa bashers

Kris-AquinoKUNG WALANG aberya sa schedule, natuloy ang first shooting day nina Kris Aquino at QC Mayor Herbert Bautista kahapon, Sunday, June 28, tulad ng original schedule na naibahagi ni Tetay sa kanyang mga supporters and bashers.

Kumusta kaya ang muling pagsasama nina Mayor Bistek at Tetay? This time, mukhang matagal-tagal ang magiging pagsasama dahil kadalasan sa hindi, almost 15 to 20 days ang shooting ng pelikula nilang entry ng Star Cinema sa darating na MMFF 2015.

Tulad ng sabi ni Tetay palagi na “work” lang ang magiging relasyon nila ni Bistek sa muli nilang pagsasama, ewan ko kung paniniwalaan ko. Knowing Mayor Herbet na super maasikaso sa babae at karinyoso, hindi kaya muling mabuhay ang naunsyaming “love affair” nilang dalawa?

Si Kris, I’m sure magre-react na nama ‘yan, sigurado. Nagtataka lang ako kung bakit waley na sila ni Mayor Bistek ay knows niya ang bawat aktibidades ng rumored “boyfriend” niya. ‘Di nga ba’t knows niya na hindi raw bahay ang ipinatatayo ni mayor sa exclusive subdivision kung saan may bahay du’n si Tetay. Alam din ni Tetay na nasa overseas nu’n si Mayor for an official trip. Yes, waley nga sila ni Mayor Bistek. Sige na nga. Paniniwalaan ko na lang si Kris.

ADVERTISING

Pustahan, bago matapos ang pelikula nila, iba na ang magiging ihip ng hangin na ang publicity spin ng movie ay pang-Valentine’s Day at hindi pang-Christmas.

Si Tetay nga pala may bagong past time, ang maging patola na rin sa kanyang mga bashers sa IG.

May nag-comment na si Bimby raw ay mukhang beki sa itsura niya na naka-white shirt at nakakuwintas ng ginto habang nagre-relax si bagets (may separate kuwento kami tungkol sa sensitive issue ng sexuality ng kanyang anak next issue).

Dahil nanay na mapagtanggol si Kris, nag-offer ng GC ng isang clothing company sa basher. May kumuwestiyon kung katas ba ng Hacienda Luisita ang mga suot na gintong necklace ng anak. Sagot ni Tetay na walang kagatol-gatol, “Katas ng sipag naming mag-nanay. Try mo? Masaya,” subtle na pagtataray ng Queen of All Media.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING