Kris Aquino, bagong hair look, bagong out-look?

ADVERTISING

Kris Aquino, bagong hair look, bagong out-look?

1 Kris-AquinoFOR ALMOST a week, nanahimik ang kuwadra ni Kris Aquino. In short, patay, walang kuwento, except siguro sa family dinner na inihanda niya sa bago niyang bahay na at the same time ay pa-dinner birthday party niya para sa anak niyang si Bimby.

Sa kanyang Instagram Account, nag-post si Tetay na ang magaling na chef na palagian niyang guest sa kanyang Kris TV na si Chef Florabel ang siyang nag-asikaso sa menu. Na-post din si Tetay ng picture ng celebrant na si Bimby with his Kuya Pnoy as special guest. Very intimate ang dinner ayon sa mga maliliit na detalye na nakalagay o caption kasama ng mga litrato sa Instagram.

Pero hindi ko yata napansin na may update tungkol sa kanila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Sa Easter dinner na inihanda ni Tetay, wala akong nakita sa social media na may posting siya ng dinner photos (like before) na kasama nila si Mayor. Matapos kasing pagpistahan ng press at social media spectators ang sinisimulang “lovelife” niya with Mayor Bistek, hindi naman siya tinantanan sa kaliwa’t kanang batikos na ang lalaking ibinabandera na mahal niya at nakikipag-relasyon sa kanya ay commited pa sa current partner niya si Ms. Tates Gana.

Maging ang dalawang anak nina Mayor Bistek at Ms. Tates, naapektuhan sa pag-o-open up ni Kris in public ng sinisimulang nilang “relasyon” ni Mayor Bistek.

ADVERTISING

Kaliwa’t kanan ang naging opinion ng publiko. Negative ang feedback sa social media lalo pa’t may mga bata na nasasaktan.

Kaya siguro nitong nagdaang Semana Santa, walang palipad-hangin si Tetay tungkol sa kanila ni Mayor Herbert. Mula sa kampo niya, tahimik. Kumbaga, walang imik si Kris na dati-rati’y siya mismo ang buma-bandera ng kanyang bawat kembot at utot.

Siguro napagsabihan ng mga ate at Kuya PNoy niya sa ginawang pagbubulgar ng kanyang supposed to be lovelife with Mayor Bistek na ayaw naman yatang magsalita at panindigan.

Mula nang mag-react kasi ang mga anak ni Mayor Bistek at Ms. Tates, negatibo ang reaksyon ng publiko. Lalo na sa mga tao na ang pamantayan ng isang magandang relasyon ay ang pakikipagrelasyon na wala kang tinapakan. Pagsasama na hindi mo sinira.

I just wonder kung ano ang kuwento ni Mayor Bistek kay Kris tungkol kay Ms. Tates. Hindi ko rin alam kung as a typical “chickboy” ni Mayor Bistek ay iba ang kuwento niya kay Kris tungkol sa current partner niya .

Puwede rin kasi na in real ay wala na sina Mayor Bistek at Ms. Tates na hindi na lang ipinaalam sa mga anak nila na ang pagde-deklara naman ni Kris ng tungkol sa kanila ni Mayor Herbert in public ay ikinagulat ng mga bata.

Sa bandang huli, may sinseridad man ang nasimulang “romance” ng dalawa, naging pangit ang kinalabasan.

I am sure, kulang sa pakikipag-usap ang dalawa kung ano ang gagawin nila sa kanilang so-called romance na ang ending, si Kris ang napahamak at ‘di si Mayor Bistek na bilang isang lalaki puwedeng deadma na lang sa reaksyon ng publiko kahit sabihin man na wala na si ni Ms. Tates and he is free to love again.

At ang latest kay Tetay sa Instagram ay nakunan ng picture si Kris in a yellow outfit na nagte-text habang nagmi-misa na may kasamang caption ang picture na: “We have cellphone jammers (an equipment na kadalasang ikinakabit sa isang venue para hindi makapasok ang mga messages or makapag-send ng messages sa mobile phones para walang interference sa audio signal at ingay) in the Cubao Cathedral to avoid scenes like this during mass!”

May nag-comment sa posting na kung puwede maging role model si Kris sa mga kabataan (with matching PLS) na pakiusap ng isang nagbigay ng kanyang komento.

Pero nagulat kami sa napanood namin na bagong Kris last Monday evening sa Aquino and Abunda Tonight kung saan nagpagupit siya with a very short and sexy hairstyle sa shop ng kilalang si Jing Monis noong araw na ‘yun.

Sa mga babae na nagke-keri ng new hairstyle na hindi naman nila nakasanayan at bago para sa kanila, may mensaheng gustonilang itawid.

With a hastag na #renewedhope sa kanyang IG posting ng picture niya with her new look, may mensahe na gustong iparating si Tetay sa kanyang mga supporters, bashers and all. She’s hoping against hope kaya? Abangan na lang natin ang susunod na kabanata.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING