Kris Aquino, ayaw patulan ang patutsada ng broadcaster na si Jay Sonza

ADVERTISING

Kris Aquino, ayaw patulan ang patutsada ng broadcaster na si Jay Sonza

Kris Aquino, ayaw patulan ang patutsada ng broadcaster na si Jay Sonza
Kris Aquino

CONSISTENT si Kris Aquino to promote positivity sa kanyang social media account kaya kahit binanatan siya at tinawag ang anak niyang si Bimby na “baklain” ng veteran broadcaster na si Jay Sonza ay mas minabuti niyang manahimik at hindi na lang ito patulan.

ADVERTISING

Post ni Jay sa FB niya noong Jan. 24,  “Hindi alam kung matutuwa ako o malulungkot para sa Philippine media ngayon. 

“Akalain mo, nadulas lang sa swimming pool iyong baklaing (huyangon ug panglawas) si Bimby, anak ni Kris Aquino sa pangatlong kinasama niyang lalaki, headline ng maraming himpilan ng radio at telebisyon!

“Samantalang iyong pagputok ng Mount Mayon na nagdudulot ng panganib sa halos 50k at iyong patuloy na pagdami ng namamamtay sa Dengvaxia wala o di kaya pahabol na istorya lang. what, when, where, why and how?”

ADVERTISING
Kris Aquino, ayaw patulan ang patutsada ng broadcaster na si Jay Sonza
Kris Aquino with son Bimby

Dinaan naman ni Kris sa pamamagitan ng isang quote ni George Bernard Shaw ang tila reply niya sa patutsada sa kanilang mag-ina ng broadcaster.

“Never wrestle with pigs. You both get dirty and the pig likes it,” post ni Kris.

Dinugtungan pa niya ito ng, “Pasensya na pero hindi ako pinalaki para makipagsapalaran sa kabastusan.”

Mas gusto na lang daw niyang isipin kung paano aayusin ang kinabukasan ng kanyang dalawang anak – Josh at Bimby – at pasalamatan ang mga kompanyang nagtitiwalang kunin siya bilang endorser.

“I strive to earn an honest living, pay my 35% in income tax as a responsible citizen, share my blessings by opening more food outlets that will provide more jobs, continue supporting feeding & outreach programs under the missions of my Catholic Faith, and above all else be the best mother i can be.

“My Mom didn’t raise me to just be a survivor, she raised me to be a deserving winner.Kick me down, and time has taught me — someone in heaven just makes sure to strengthen my wings. #positivitywins”

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING