Kris Aquino, ayaw magpagamit kay Joey Marquez!

MAY ASTHMA pala itong si Jasmine Curtis-Smith kaya naloka na lang bigla ang production staff sa taping ng soap opera niya sa Singko nang atakihin siya ng matinding hika.

Ang nakarating sa aming tsika ay isinugod sa emergency room ng isang ospital si Jasmine dahil sobrang nahirapan na itong makahinga. We were not told naman kung ano ang naging sanhi ng asthma attack ng young actress.

Patuloy pa rin daw ang taping kahit wala na si Jasmine sa eksena. Kailangang kasing tapusin lahat ng mga eksena ni David Archuleta dahil paalis na ito.

Si David pala ay ten hours lang kada araw ang taping. Talagang may cut off time siya. Siya lang daw ang may ganoong pribilehiyo. Gano’n? So, ibig bang sabihin may kinikilingan ang Singko?

GUSTONG UMEKSENA ni Marian Rivera sa taping ng mini-serye ni David Archuleta. Bigla kasi itong umapir at ang kiyeme nito ay dinalaw niya ang director na si Mac Alejandre na director niya sa nagtapos na Amaya.

Naging close si Marianita kay Direk Mac kaya naman dinalaw niya ito.

Nagustuhan kaya ng GMA execs ang ginawang ito ni Marian? Malamang ay hindi, pero wala silang magawa. Prime artist nila si Marianita kaya ang takot lang nilang mawala ito sa kanila.

INAYAWAN PALA ni Kris Aquino ang pasaring ni Joey Marquez na willing itong interbyuhin ang Queen of Talk sa kanyang bagong showbiz-oriented talk show.

Gusto na ni Kris ng katahimikan kaya sinabi niya sa isang interview for her newest soap with Robin Padilla na ayaw niyang magpa-interview sa dating nakarelasyong komedyante.

Maganda na nga naman ang buhay ni Kris at wala siyang kaproble-problema lalo na ngayon at na-annul na ang kasal niya kay James Yap. We’re pretty sure na magagamit lang ang beauty ni Kris para pag-usapan ang bagong show ni Joey kasama sina Janice de Belen at Carmina Villaroel.

Alam na alam ni Joey na lalong ii-ngay ang kanyang pagbabalik sa showbiz kapag nangyari ang one-on-one interview niya with Kris.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleCarla Abellana, pinag-iisipan ang offer ng Dos
Next articleJames Yap, malaya na kay Kris Aquino!

No posts to display