Kris Aquino, ayaw maging Science project ang mukha

Kris Aquino, ayaw maging Science project ang mukha

Kris-AquinoNAGTAWANAN ANG mga entertainment press and bloggers nang sabihin ni Kris na, “Ayoko namang maging Science project ang mukha ko. Kasi, ‘di ba, ‘pag gawa ang mukha mo, ‘yung iba, hindi na talaga gumagalaw ang mukha dahil nasobrahan na?”

Hiyawan, “Bakit? Totoo naman, ‘di ba? As much as possible, ayoko nang may ipinapagawa sa mukha.”

Akala kasi ng iba ay may pinariringgang aktres si Kris, pero in general naman ang statement niya. Buti na lang at hindi siya nagkamaling mag-namedrop, or else, another issue na naman ang kasasangkutan niya.

Eh, since magpa-Pasko at gusto niyang maging positive, lalo na’t super proud siya sa Feng Shui nila ni Coco Martin at gusto niya itong ngumiti, “Love, love, love, love!” lang ang gusto ni Tetay.

 

PERO ANO nga ba ang beauty secret ni Kris?

“Ako talaga, 8 hours sleep lang. Kahit puyatin ako ngayon ni Direk Chito at ma-pack up kami ng 6am, okay lang, basta ang next calltime ko ay 6pm na the following day, okay na ‘ko do’n. When I don’t have enough sleep kasi, hindi talaga ako makatrabaho nang maayos.”

Sa totoo lang, kumpara sa 2004 Feng Shui, mas maganda ngayon si Kris. Akala nga ng iba ay dahil in love siya ngayon, pero sa totoo lang, tanggap ni Kris na for now ay successful talaga ang kanyang career at pagiging ina kina Josh at Bimby. “Siguro, ‘pag wala na (as in nag-retire na) ako sa showbiz, eh magkaroon na ako ng pag-ibig!”

Oh My G!
by Ogie Diaz