Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista, palabas lang ang hiwalayan, ‘di totoong split na

Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista, palabas lang ang hiwalayan, ‘di totoong split na

Herbert-Bautista-Kris-AquinoSABI KO na nga ba’t isang palabas lang ang hiwalayan nilang dalawa. Yes, from a very reliable source na nagkuwento sa amin, hindi totoo na split na sina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Kung inaakala nating natapos na ang lahat nang matauhan si Kris at ang kanyan mga hugot lines ay nabasa natin sa kanyang Instagram account na natauhan na siya (hindi man diretsahan niyang ipinahayag kundi sa mga eklat niya), heto’t mas interesting ngayon ang estado ng sinasabing balikan nila.

Tahimik lang ang mundo ni Tetay. Less talk siya kung napapansin ninyo. Pero ang mga sundot ng anak na si Bimby tungkol sa ina at kay HB (‘yan ang tawag ni bunso sa kanyang future stepdad), tila may katotohanan.

Sa katunayan, tulad ng kanyang pangako sa sarili na waley na siya mag-e-emote sa kayang social media account tungkol kay HB ay natupad naman ni Tetay. Kitam walang nakaaalam na halos gabi-gabi ay bisita si Mayor HB sa haybols ni Kris sa Greenhills. Malapit lang kasi ang GH sa ipinatatayong haybols ni Mayor Bistek kaya after niya i-check ang bonggang bahay sa Green Meadows, segue naman si Mayor Herbert sa GH.

Sabi ng source namin na isang tunay na insider sa kampo ng isa sa kampo ng mga nabangit, kahit busy si Mayor sa kanyang gawain bilang tagapangasiwa sa Lungsod ng Quezon, he takes time na dumaan man lang sa gabi (before midnight) sa haybols ni Kris na manggagaling naman sa nightly show niya with Boy Abunda na Aquino and Abunda Tonight.

Ngayon na mas madalas silang nagkikita dahil may movie sila gagawin for Star Cinema (alam ko, last week of June ang simula ng shooting). Now pa na maging regular ang pagtatagpo ng dalawa, malamang sa hindi manunumbalik na naman ang feeling ni Tetay kay MHB lalo pa’t hindi na umuuwi si Mayor Bistek sa haybols ni Ms. Tates Gana.

In short, hiwalay na si Mayor sa longtime girlfriend niya kung saan may dalawa silang anak.

“Kawawa nga si Tates, palaging nag-iiyak,” kuwento naman ng isang entertainment writer na kaibigan namin na madalas makabalita tungkol sa kaganapan sa kampo ni Ms.Tates.

Kung meron man, hayun, flash in the pan na makaraan ang ilang saglit ay naglalaho rin dahil hindi pangmatagalan o ‘di kaya’y walang staying power.

Nabasa ko lang sa isang online showbiz portal na nanganganib daw ang morning showbiz show nina IC Mendoza sa istasyon ni MVP.

As expected, kahit anong kayod sa publicity, waley mangyayari sa effort nina IC at MJ Marfori na paigain ang rating ng show. Siguro, unsolicited advice ko, hindi porke’t may vacant slot sa airtime ng istasyon ay kung anik-anik na lang ang ipapalabas nila. The creative team should think, and rethink kung ano ba talaga akmang palabas n puwede nila isaksak sa mga open time slot. Magaling pa naman sina IC at MJ.

Kung sa bagay, mahirap makalaban ang morning ni Janella Savador na OMG ng Kapamilya Network. Kahit pagsabayin mo siguro ang showbiz show nina Ryzza Mae sa Kapuso Network, waley rin ang magic na magaganap.

Sa katunayan, recently may nabasa akong tabloid, existing pa rin pala ang show nina Derek Ramsay at komedyanteng si Empoy Marquez at ang iikot na masayang truck sa buong Kamaynilaan na akala k noong una ay relief goods truck ay isa pala bagong palabas nila na ang mga bida ay sina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, Janno Gibbs na sasahugan nila ng kanilang mga discoveries.

Reyted K
By RK VillaCorta