Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista, magka-date sa ‘Kasal’

ADVERTISING

Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista, magka-date sa ‘Kasal’

Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista, magka-date sa ‘Kasal’
Kris Aquino and Herbert Bautista

WALA sa latest post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account ang tungkol sa date nila ni Mayor Herbert Bautista na nangyari kagabi (May 17).

ADVERTISING

Marami ang nakakita na magkasama sina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista na nanood ng pelikulang Kasal sa isang sinehan sa Quezon City. May pictures pa nga ang dalawa at obvious na hindi naman nila itinatago ang ginawang panonood ng sine nung Huwebes, May 17.

Ayon sa post ni Kris, balak niya talagang panoorin ang Kasal to show her support to Bea Alonzo. May review din siya about the movie na ipinost niya sa IG.

Yon nga lang, wala siyang post ng photo nila ni Mayor Bistek na magkasama. Bakit kaya?

ADVERTISING

Anyway, sabi pa ng aming source, nag-enjoy sina Kris at Bistek sa panonood ng movie. May time din daw na hindi naiwasan ng dalawa na mapaiyak sa ilang eksena ng pelikula na pinagbibidahan din nina Paulo Avelino at Derek Ramsay at idinirek naman ni Ruel Bayani.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING