Kris Aquino at James Yap, hiwalay na?! – Tita Swarding

Kris Aquino at James Yap, hiwalay na?! - Tita Swarding

Kris Aquino at James Yap, hiwalay na?! - Tita SwardingOLA CHIKKA! HAPPY New Year sa lahat ng avid readers Pinoy Parazzi at Happy Three Kings na rin. O, ‘di ba? Bonggang-bongga!

Pero kahit kapapasok lang ng bagong taon, hindi tayo pahuhuli sa mga nagpuputukang chika. How true kaya ang chikka na hiwalay na nga raw ang mag-asawang Kris Aquino at basketbolistang si James Yap, huh!

Naku, ha? Kapapasok lang ng 2010, ito na agad ang bonggang pagsalubong! Tsk, tsk, tsk!

Matagal na nga raw hiwalay ang mag-asawa, ngunit inililihim ng mga hitad ang kanilang hiwalayan dahil ayaw nilang maapektuhan ang pagtakbo ng kapatid ni Kris na si Noynoy, at ipinapakita sa mga tao na nagsasama pa ang mga ito at okey na okey sila.

Nakikiusap daw ang tatlong kapatid na babae ni Kris at ng kapatid na senador na kung maaari ay magsama sila, huh!

Nagsimula raw ang hiwalan nila nu’ng matapos mamatay ang ina nitong si dating Pangulong Cory Aquino. Dahil ayaw raw isipin ni Kris ang namayapang ina, minabuti raw nitong maging busy sa trabaho.

Kaya kung anu-ano na lang daw ang ginagawa nito. Minsan daw ay sa taping at sa commercial ito nagbababad, basta hindi lang maisip ang namayapang ina, kaya napabayaan na diumano nito ang obligasyon sa asawa nitong si James, kaya ayun, naghanap daw ito ng mas bata pa sa magaling na TV host. Naku, ha?!

Ang isa pang nakaloloka ay alam din daw ito ng mga kasamahan ni James sa basketball na may kinalolokohan itong babae. Ngunit itinatago lang daw ng mga ito o inililihim kay Kris. Tsk, tsk, tsk!

Kaya ngayon, nanganganib din daw ang kandidatura ng kapatid na lalaki ni Kris, dahil ang kasiraan ni kris ay kasiraan din daw ng kapatid nitong si Noynoy.

Nakakaloka naman ito! Naku, Kris, ano naman ang masasabi mo sa chikka na ito? Naku, ha?! ‘Yun na!

GOODBYE KIM CHIU raw ngayong 2010 ang guwapong batang aktor na si Gerald Anderson, dahil may bagong pinagkakaabalahan ang batang ito at nagustuhan daw ni Gerald na makasama kaysa sa ka-loveteam na si Kim. Hmmm…

Si Gerald pala ang bagong endorser ng tumatakbong mayor ng Quezon City na si Mike Defensor, at ito raw ang pinag-uukulan ng oras ng batang aktor, dahil ayaw raw nitong mapahiya kay Mike. Nakakaloka naman ito!

Buong-buo raw ang suporta ni Gerald kay Mike, at hindi lang pala si Gerald kundi halos karamihan ng artista ay boboto kay Mike. ‘Yan ang aking napag-alaman. Naku, ha!

May dagdag pang chikka ang aking parazzi girl. Kaya pala halos karamihan ng artista ay boboto kay Mike dahil sa tagal na raw na nanilbihan si Vice-Mayor Herbert Baustista sa lungsod, wala raw itong nagawa, lalo na sa mga kapwa-artista rin daw. Naku, ha? Ano ba ‘yan? Nalurke akong bigla roon. Hahaha!

Ano naman kaya ang masasabi ni Aiko Melendez na siyang vice-mayor ni Mike Defensor? Dahil pati ang aking twin sister na si Aiko, pilit din silang pinag-aaway ni Bistek. Nakakaloka talaga ang politika, ha? ‘Yun na!

KUNG SA KAPAPASOK lang ng 2010 ay puro intriga na ang sumalubong at pumutok, gusto ko ring ipagsigawan sa mundo na bago pa lang matapos ang 2009, nagkabati na po kami ng TV host na si Willie Revillame. At sa kanyang programa pa nga sa telebisyon ay siya ang bumati sa akin. Dahil maluwag sa puso ang magkabati lahat. Naku, ha? ‘Yun na! At sa darating na January 6, abangan kami ni Pokwang sa Quiapo at ilan pang mga artista para magbigay sa inyo ng saya. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding