Kris Aquino at fiance na si Mel Soriano hiwalay na!

Leo Bukas

BIGLANG nawala ang mga photos ni Kris Aquino kasama ang fiancé niyang si former DILG secretary Mel Senen Sarmiento sa Instagram at Facebook account ng actress/TV host noong Jan. 2, 2022.  Dahil dito ay marami ang nag-assume na hiwalay na ang dalawa.

Nitong Jan. 3, kumpirmadong hiwalay na nga sina Kris at Mel. Ayon sa mensahe ng magiging future husband sana ni Kris ay may kaugnayan sa health issue ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Kris Aquino at fiance na si Mel Soriano hiwalay na!
Mel Senen Sarmiento and Kris Aquino

Ayaw din ni Mel na masisi siya ni Kris kapag aksidenteng nakapag-uwi siya ng virus na makukuha niya sa araw-araw na paglabas na posibleng mahawahan sina Bimby, Josh at Bimby. Well, may point din naman siya.

Ayon pa kay Mel, hinamon din siya ni Kris na maghiwalay na sila at pinag-isipan naman niya ito hanggang nagdesisyon na nga siyang makipaghiwalay.

“I accepted your offer of letting me go. I do love you but I guess this is goodbye for your life is of greatest importance given that you have Bimby and Josh to take care of you. You will forever be in my heart,” bahagi ng mensahe ni Mel kay Kris.

Ayon naman sa post ni Kris habang kinukunan ng dugo ay hindi raw maganda ang lagay ng kanyang kalusugan na mas lumala pa raw ngayon.

“For once, hindi mahaba ang caption. Lahat po klaro, nasa carousel of artcards, pics, and screenshots na. #truth #faith #peaceofmind #peaceinmyheart,” caption niya sa post.

May sakit na iniinda si Kris na may kaugnayan sa kanyang immune system kaya bawal sa kanya ang ma-istress.

“I want to spare myself and my loved ones from further rumors and speculation. My health has continued to deteriorate, and I will soon fly abroad for further diagnostic tests and if needed, do all the treatments and procedures to help address my drastic weight loss (I now weigh 88 lbs/40 kilos) and if still possible, strengthen my immunity.

“From last quarter of 2018, I’ve long known that my autoimmune conditions could only be treated BUT never cured…

“I have accepted the TRUTH, many complications from having autoimmune may arise, especially because I am immunocompromised and we have been forced to live with a nearly 2- year worldwide pandemic.

“My faith in God has taught me I must completely surrender all, to His Will and His Timing.”

Kris Aquino at fiance na si Mel Soriano hiwalay na!
Mel Senen Sarmiento and Kris Aquino

“Sa pinagdadaanan ko ngayon, may tao bang gustong pag-usapan pa ang kanyang paghihiwalay? But in order for me to be able to peacefully move on, and focus on myself and my health, BECAUSE my sons still need me, Kuya Josh has autism, and Bimb will only turn 18 in 3 years, 3 months, and 16 days, I must end this chapter.

“I will just post screenshots of Mel’s last text message to me. After that you will never read nor hear anything at all about him from me, because I still want to preserve whatever dignity I have left.

“By doing this, I only request for some respect for my humanity & privacy now and in the coming months when I fight for my health…because I was BRAVE enough to show you and tell you the TRUTH,” mahabang pahayag ni Kris.