Kris Aquino, 2 taong maglilibot sa iba’t ibang panig ng mundo!

ADVERTISING

Kris Aquino, 2 taong maglilibot sa iba’t ibang panig ng mundo!

Kris Aquino, 2 taong maglilibot sa iba’t ibang panig ng mundo!NAPANOOD NAMIN ANG interview ni Jennylyn Mercado sa Star for All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos.

Jen naman passed with flying colors. Although purely showbiz nga lang ang nausisa niya sa aktres. At hindi na-tackle ang mainit na pinagtatalunan at pinag-uusapan sa panahong ito, ang tungkol sa panukalang sinimulan ni Ate Vi bilang Gobernador sa Batangas na naaprubahan naman ng provincial council, ‘yung signage ala-Hollywood nga na ilalagay sa paanan ng Taal Volcano sa Batangas.

Pero marami naman ang na-cute-an sa mga tanong ni Jen sa Star for All Seasons. Lalo na kapag binabanggit na ang anak nitong si Luis at ibi-nubuwelta ni Ate Vi ang mga bagay about Luis kay Jen. At sa mga pahaging nito gaya ng pagsasabi niyang welcome at lagi namang imbitado si Jen sa tahanan nila. At ang pagbibilin niya rito na alagaan si Luis.

Ngayong nakikita ng tila kampante at may blessings na ni Ate Vi ang dalawa sa kanilang relasyon, mukhang hindi na alintana ni Ate Vi ang maging instant Lola siya sa anak ni Jen na si Alex Jazz.

ADVERTISING

Naalala ko tuloy ang laging biro noon ni Ate Vi sa tanong sa kanya kapag ipinakilala na ni Luis sa kanya ang girlfriend nito, sa kusina raw niya agad-agad na papupuntahin.

Does this hold true kaya in real life?

 

DALAWANG TAONG HAHAWAKAN ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang appointment ng UN sa kanya para panguluhan ang UNHCR (United Nations High Commission for Refugees), na ang appointment eh, nagmula sa headquarters nito in Geneva, Switzerland.

Layon ng nasabing ahensiya ang protektahan ang mga refugees at i-resolve ang mga suliranin nito worldwide. To safeguard the rights and well-being of refugees.

Last year pa pala ito napag-usapan nina Kris at ng kanyang bestfriend/ consultant na si Kuya Boy Abunda. Pero nang wala pa silang natanggap na sagot mula sa nasabing ahensiya eh, iwinaglit na muna ito ng Queen of All Media mula sa kanyang isipan.

Pero kahit pa man daw sa mga darating na buwan eh, kakailanganin ni Kris na tumungo sa iba’t ibang parte ng Asya at pati na sa buong mundo, hindi raw maisasantabi nito ang kanyang pagiging ina sa mga anak na sina Joshua at Bimby.

Nang humarap nga raw sa mga kinatawan ng UNCHR sina Kris at Kuya Boy, kasama ang kanyang anak na si Bimby at ito pa raw ang nagpaalala sa mga bisita na oras na para matulog na silang mag-iina.

Ang gusto namang puntuhin ni Kris eh, totoong wala siyang lovelife kahit pa sige pa rin ang pag-uugnay sa kanila ni Diether Ocampo, pati na kay Makati Mayor Junjun Binay.

“Afraid pa ako to fall in love again. Naka-ilang strikes na ako. Kaya nga, takot na rin ang mga kapatid ko, lalo na kung guwapo ang nali-link sa akin. I’ve not seen Diet in a long time. Hindi nga kumportable ang pamilya ko sa guwapo. Kaya ang feeling ko, dahil sa UN, may makikilala ako. What I mean is ‘yung makaka-contribute sa kapayapaan ng mundo at puso ko.”

May mga gumagawa ng isyu kay Kris tungkol sa pagbabayad nito ng buwis. At matapang naman ang Queen of All Media sa pagsasabing, bukas ang records ng mga kinikita niya kaya wala siyang ikinababahala sa bagay na ito.

Dahil automatic daw na ang thirty percent ng kita niya eh, pumapasok na sa isang bank account niya na solely eh, para sa babayaran niya sa BIR (Bureau of Internal Revenues).

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING