Kris Aquino, 1 taon mawawala sa Pinas para magpagamot sa ibang bansa

Leo Bukas

MALAPIT nang umalis ng Pilipinas ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Pupunta ng ibang bansa si Kris para magpagamot at gawin ang kinakailangang medical treatment sa kanya.

Ayon pa sa kanya, mahigit isang taon siyang mawawala sa bansa kasama ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby. Hind naman binanggit ng actress-TV host kung saang bansa sila pupunta ng kanyang mga anak.

Kris Aquino, 1 taon mawawala sa Pinas para magpagamot sa ibang bansa
Kris Aquino with Joshua and Bimby

Kinumpirma ni Kris ang tungkol dito nang batiin niya ang kaibigang si Regine Velasquez ng “Happy Birthday” nitong nagdaang Sabado, April 23.

Sa isang Instagram post ng Asia’s Songbird, nag-iwan ng mensahe si Kris sa comment section at dito nga siya humingi ng paumanhin sa singer-actress at TV host dahil late na siyang bumati.

“May hinanda akong THANK YOU from our family for you & pareng Ogie- honestly i need to ask my sisters if it ever reached you- because alvin (your #1 fan) took care of everything- he’s on leave now because his mom is in the hospital,” pahayag ni Kris.

Aniya pa, “Mare sorry if my greeting is late — we leave in a few days and we’ll be gone for more than a year for my medical treatments. Medyo overwhelming.

“Thank you dumalaw si Jas & Darla (Sauler) and they told me sobrang consistent kayo ni Pare asking kung kamusta ako,” sabi pa ni Tetay.

Kamakailan lang ay bumisita nga si Darla sa bahay nina Kris para kumustahin ito nang personal pati na sina Josh at Bimb. Halos tatlong taon ding hindi nagkita ang magkaibigan.

Ilang buwan na ang nakararaan nang ibahagi ni Kris na na-diagnose siya ng erosive gastritis at gastric ulcer, bukod pa sa kanyang autoimmune disease.

Pero sa kabila ng kanyang mga karamdaman at sobrang kapayatan, nagawa pa rin niyang makiisa sa campaign rally ng presidential candidate na si Vice President Leni Robredo sa Tarlac noong March 23.

“Since we are traveling to consult with more allergy, immunology, and hematology experts – they said to please make it a true health and wellness trip. Iregalo ko raw sa sarili at sa mga anak ko.

“I continue praying for the Faith to continue Hoping that I’ll get healthy enough for those who still need and love me,” bahagi pa ng pahayag ni Kris sa IG.

 

Previous articleTop 6 Zanjoe Marudo Romantic Films
Next articleJolina Magdangal suportado ang masipag na lider na si Leni Robredo