Kris Aquino, ‘binayaran’ si James Yap ng P48-M?!

ADVERTISING

Kris Aquino, ‘binayaran’ si James Yap ng P48-M?!

Kris Aquino, ‘binayaran’ si James Yap ng P48-M?!RICHER BY THE millions si James Yap.

ADVERTISING

‘Yan ay kung totoo ang tsikang nasagap namin na binigyan siya ng napakalaking settlement ni Kris Aquino.

Tama ba ang dinig namin, 48 million ang willing settlement na ibinigay ni Kris Aquino sa kanyang ex-husband na basketball player?

Noong birthday ni Mother Lily ay ayaw mag-comment ni James sa issue ng settlement at sinabi nitong hindi pa naman tapos ang kanilang kaso ni Kris sa korte.

ADVERTISING

 

ANG HABA-HABA NAMAN ng hair ni Maja Salvador.

Balitang-balita kasi na nagsuntukan sa Star Magic Ball sina Matteo Guidicelli at Coco Martin na parehong nali-link sa dalaga.

Nangyari raw ang suntukan ng dalawa sa Manila Peninsula kung saan ginanap ang Star Magic Ball. At ang bilis ng tsika ng awayan ng dalawa dahil kaagad ding itong nai-post sa Twitter although sketchy ang lahat at hindi pa sigurado kung nagpang-abot nga ang dalawa. Hindi rin malinaw kung nagkaroon ng selosan kina Matteo at Coco. Hindi rin malinaw kung pati si Maja ay nadamay sa away ng dalawa.

Maging si Vice Ganda na best friend ni Coco na nagsu-show ngayon sa US ay biglang napatawag sa premyadong young actor para malinawan ang balita. Nakarating na kasi kay Vice ang nangyari sa Star Magic Ball.

Kaagad nga na nag-post si Vice ng mensahe patungkol sa nangyari.

“Naaligaga nman ako s mga tweets about an incident involving my bestfriend Coco. Napatawag tuloy ako khit mahal ang roaming. Gud to know he’s ok,” tweet ni Vice noong Linggo ng mada-ling-araw.

Naku, kung totoo ngang may nangyaring gulo sa pagitan nina Matteo at Coco baka ang itawag sa ginawa nila ay Star Magic Brawl.

Advance namin sinulat ang item na ito kaya na-tackle na ito ng The Buzz dahil sa tsika ni MJ Felipe sa Twitter last Sunday early morning, nakakaloka raw ang mga eksena sa nasabing ball. May mga nagdeadmahan, nag-iwasan at kung anu-ano pang mga eksena.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING