Korina Sanchez, tatanggalin na sa news program?

ADVERTISING

Korina Sanchez, tatanggalin na sa news program?

Korina-SanchezTHERE WERE rumors that Korina Sanchez will soon be booted out of TV Patrol all because she’s married to DILG Secretary Mar Roxas who is being groomed to become the successor of PNoy in the 2016 presidential elections.

Ang chika, gusto raw ng news department management na magkaroon ng balanced news reporting ang TV Patrol and this will not be realized kung naroroon pa rin si Korina kapag nagpahayag na ng kanyang presidential intention si Mar.

If that’s the case, bakit hindi pinagbitiw ng Dos si Kris Aquino when her brother Noynoy ran for the presidency? Kris was all over television and she clearly was a great influence to the majority of the voters. Eh, bakit siya hindi pinagbitiw sa kanyang mga shows? Kahit na ba hindi news ang kanyang forte, malakas pa rin ang influence niya, di ba?

Hindi ba’t ginagamit niyang platform ngayon ang kanyang  evening show with Boy Abunda para ipagtanggol si PNoy from his accusers lalo na noong kasagsagan ng National Artist controversy ni Nora Aunor?

ADVERTISING

Hindi ba ‘yan nakita ng mga namamahala sa Dos or they refuse to see it?

Clearly, may kinikilingan ang Dos. That’s sad. That’s unfair.

 

Jeff-CarpioJEFF CARPIO is not in a hurry to make it big in showbiz.

This ward of Tito Alfie Lorenzo is taking it slowly but surely. Nakikinig naman siya sa mga pangaral ng kanyang manager. We were there when tito Alfie gave him lessons on how to start his career sa showbiz, na dapat alam ang names ng mga showbiz writers, na maging friendly sa production staff, na huwag lalaki ang ulo, na laging dumating nang maaga sa taping or shooting at prepared sa mga eksena.

He listens naman. Actually, medyo marami na siyang acting experience having appeared in three movies, the latest of which was T’yanak ni Judy Ann Santos. Lumabas na rin siya sa ilang TV shows like Jejemom, Marimar, Dyesebel, Lastikman at Honesto. Nag-workshop na rin siya at willing pang matuto about acting.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING