Korina Sanchez, may silent war kina Kris Aquino at Karen Davila?!

ADVERTISING

Korina Sanchez, may silent war kina Kris Aquino at Karen Davila?!

Korina Sanchez, may silent war kina Kris Aquino at Karen Davila?!OLA CHIKKA to the maximum authority of chikka! Umpisa na naman ang pasabog mula sa mahaba-habang bakasyon. Ang iba ay pabalik pa lang mula sa kanilang probinsiya, at kami naman ay nagkukumahog sa dapat na mga pasabog na mga chikka. Alam kong gutom na ang aking readers sa mga kakaibang intriga rito sa aking column, kaya umpisahan na ang maiinit na tsimaks!

Kung natatandaan n’yo ang pitik-bulag ko nu’ng nakaraang araw, na ang tatlong K na pinagmamalaki ng kanilang network ay hindi magkakasundo, ‘eto na, parang totoo nga ang aking obserbasyon. Kasi nu’ng mga nakaraang araw, nakakuha ako ng basehan na dapat banggitin ko na ang panggalan nila, kasi halatado ko na totoo ang tsismis sa kanila. Bakit?

Una, nu’ng nagpa-interview si Kris Aquino kay Ted Failon sa TV Patrol, kasama ang tatlo niyang kapatid na sina Pinky, Ballsy at Viel nu’ng kasagsagan ng away ni Kris at James Yap. Natatandaan ko nu’ng 2003, nu’ng unang umiyak si Kris at ang nag-interview ay si Korina sa away nila ni Joey Marquez at ang kasama naman ni Kris ay si da-ting Pangulong Cory Aquino (RIP).

Nagtataka lang ako, bakit si Ted Failon ngayon ang nag-interview kay Kris at bihira lang namang lumabas sa studio si Ted, ‘pag may mga ganitong kaso, at si Korina ang nasa studio kasama si Henry Omaga Diaz. At bago matapos ang panayam ni Ted, nakiusap ang isa sa kapatid ni Kris, si Ballsy, na ipagdasal natin na maayos itong problema nina Kris at James.

ADVERTISING

Pagbalik ng camera kina Korina, never nag-comment at ang sabi lang niya sa kanyang co-anchor, marami akong dalang rosaryo galing Rome, at may basbas ni Pope Francis. Kung sino raw ang gustong humingi sa kanya, bibigyan niya at magdasal tayo.

Nakarating kasi sa akin na matagal na talaga ang sigalot nu’ng dalawa mula pa nang matsugi ang kanilang morning show. At mula noon, lagi silang nag-iiwasang magkita. Kaya siguro, ‘pag matuloy si Kris sa pagpapaalam nito sa showbiz, isa sa matutuwa ay si Korina. Kasi baka sa kanya na mapunta ang tinaguriang Queen of Talk Media na binansag ni Boy Abunda kay Kris.
Pangalawa, itong si Korina at Karen Davila na kung saan hindi mo man lang makita sa TV Patrol si Karen. Kung wala si Korina, tulad na lang nang siya ang nag-cover ng pagpunta niya sa Vatican para magkaroon tayo ng bagong Santo Papa, hindi siya ang humalili kay Korina na dati-rati, nu’ng wala si Korina si Karen ang nasa TV Patrol. Kaya sa Bandila na lang ang pobreng si Karen kasi parang ayaw ni Korina na si Karen ang humalili pansamantala sa kanya.

Isa pa, na ang dalawang ito ay laging nag-iiwasan sa newsroom ng ABS-CBN. ‘Pag alam daw ni Karen na darating si Korina, lalabas daw ito at ayaw na ayaw silang magpang-abot, baka raw magkaroon ng komosyon. Kung ito man ay totoo, ano ang rason? Bakit hindi sila magkasundo? Palagay n’yo, insecurity? Kasi mas bata at may ibubuga itong si Karen. Kahit sa DZMM program nila, never kong nalaman na pansamantalang si Karen ang humalili sa kanya. Pero nu’ng nawala si Korina sa radyo, napunta halos lahat ng program ni Korina kay Karen.

Pero kung si Kris at Karen ang inyong tatanungin, ang sagot ko, malay. Kasi wala naman akong nakikitang tulad nitong mga inilahad ko sa inyo, ito ay akin lang opinyon. Palagay n’yo?

 

AT SIYEMPRE para sa more chikka more fun kung nabitin kayo sa chikka ko, ‘wag n’yong kaligtaang panoorin ako o pakinggan sa DZRH, RHTV every Saturday na po, 12nn-1pm, kasama ko sina Lady Camille at Lady Ivy. At siyempre sa DWSS, daily, 11:30am. At ang programa ko sa London, every Saturday rin. Search lang po n’yo sa Skype: Pinoy Radio U.K. Simulcast po ‘yan sa Pinoy Radio Nordic at Pinoy Radio France. Ola Chikka na! God bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING