Korina Sanchez, lilipat na rin sa Singko?!

ADVERTISING

Korina Sanchez, lilipat na rin sa Singko?!

Korina Sanchez, lilipat na rin sa Singko?!  Ayaw nang patulan ni Vice Ganda ang intrigang hindi kumita ang launching movie niyang Petrang Kabayo.“Hayaan na lang natin sila. Hawak natin ang katotohanang maraming napasaya ang pelikula. Kaya manood na rin ang mga detractors para hindi sila mahuli sa balita,” ang masayang sambit ng box-office comedian.

Ayon sa Viva films, sa six-day showing ng pelikula, ang gross income nito ay P107-M na. And as of this writing, patuloy pa ring humahataw sa takilya ang Petrang Kabayo. Kaya kung dodoble pa o magti-triple ang kikitain ng pelikula, top contender na sa ‘Box-Office King’ award si Vice Ganda next year.

And to prove and dispel the rumor na flop ang pelikula, isang bonggang victory party ang ibinigay ng Viva Films sa cast ng Petrang Kabayo nu’ng Miyerkules. Dumating ang halos buong cast na sina Luis Manzano, Direk Wenn Deramas, Eagle Riggs, DJ Durano, Makisig Morales, Joy Viado, Eugene Domingo, at iba pa. Surprise guest din sa naturang affair ang outgoing MTRCB chair na si Conzolisa Laguardia. Simple lang ang mensahe ni Ma’am Laguardia, “Kahit wala na ako sa MTRCB, friends pa rin tayo!” May regalong horse figurine si Ma’am Laguardia.

Nagkaroon ng maaanghang na sagutan sa TV at print ang dalawa nang ‘mapag-initan’ ng MTRCB ang ‘double meaning’ words ni Vice Ganda sa Showtime. Pero, ‘ika nga, wala namang problemang hindi nalulutas sa maayos na usapan. Kaya ‘friends’ na uli sina Vice at Ma’am Laguardia.

ADVERTISING

At dahil sa box-office success ng Petrang Kabayo, may niluluto nang follow-up project ang Viva Films para kay Vice.

MOVE OVER KIM Chiu, Bea Alonzo, and Gerald Anderson! Hindi lang kayo ang may natatanggap na death threat – ang gay TV host at sidekick ni German ‘Kuya Germs’ Moreno na si Shalala ay may natatanggap ding mga pagbabanta sa kanyang buhay!

“Nagugulat na lang ako sa mga texts sa akin. Death threat talaga!” umpisang kuwento ng host ng Juicy at judge din sa Talentadong Pinoy. “At kilala ko silang pareho, ‘no! ‘Yung isa, ‘yung thundercats na nagke-claim na naanakan daw ng boyfriend ko. Dyusko, sisenta anyos na siya! Paano pa siya magkakaanak? Masyado talaga siyang obsessed sa boyfriend ko. Nu’ng minsan tinawagan pa ako, galit na galit at talagang pinagbabantaan ako.”

Pero hindi na raw bago kay Shalala ang death threats. “Nu’ng kasikatan ni Guy (Nora Aunor), may nagbanta rin sa akin na papatayin ako. Die-hard fan ni Guy. At talagang papatayin niya raw ako. Mabuti na lang kinausap ni Kuya Germs, ‘ayun, nagkaayos naman kami.”

At sino naman ‘yung isa pang may death threat sa kanya?

“Ewan ko ba kung bakit galit na galit siya sa akin? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya,” sey na lang ni Shalala. Off-the-record na lang daw kung sino man ‘yon – dahil kilala niya nga naman, at kilala rin daw ng marami sa showbiz.

‘Eto pa. Ramdam na raw ngayon ni Shalala na ‘kilala’ na siya dahil kung noon ay walang pumapansin sa kanya ‘pag nagsisimba siya sa Quiapo, ngayon daw ay marami nang bumabati sa kanya. At nu’ng minsan may ‘stalker’ daw siya na hindi siya talaga tinantanan ng kasusunod.

“Ninerbiyos talaga ako! Hahaha!” sey pa ni Shalala.

NADULAS ANG ISANG TV5 insider. May negosasyon na raw nagaganap between the TV network’s executives and radio anchor and TV host Korina Sanchez. Narinig na namin ang balitang ito. Pero not until someone from the Kapatid network ang nagtsika sa amin, kaya this time ay gusto na naming paniwalaan.

Tulad ng sinasabi namin, very aggressive ang TV5 sa ginagawa nilang pagpapasigla sa istasyon. Which is good dahil ang makikinabang naman d’yan ay ang TV viewers, and of course, ang mga talents din na hindi masyadong nabibigyan ng magandang exposure. Kaya vey much welcome ang TV5 sa industriya ng telebisyon.

Bore Me
by Erik Borromeo

ADVERTISING