Sipat-eklat: Korina Sanchez, itinangging na-boo siya sa concert ng Tears for Fears!

ADVERTISING

Sipat-eklat: Korina Sanchez, itinangging na-boo siya sa concert ng Tears for Fears!SIPAT: HINDI raw siya na-BOO sa CONCERT ng TEARS FOR FEARS, sey ni KORINA SANCHEZ.
EKLAT: Ay, OO naman. TUWANG-TUWA nga ang mga TAO na NANDOON siya, e. Pramis!

SIPAT: ALANGAN namang AMININ ni KORINA na na-BOO siya.
EKLAT: HINDI niya raw NARINIG dahil NABINGI na siya sa INGAY sa ARANETA.

SIPAT: Saka HINDI raw niya ALAM na may KAMERANG NAKATUTOK sa kanya.
EKLAT: At HINDI INTENTIONAL na nag-LABAN SIGN siya. Pramis!

SIPAT: Nagpa-PRESSCON pa si KORINA para IDENAY ang pag-BOO sa kanya.
EKLAT: Naks, NATIONAL ISSUE na ‘to!

SIPAT: SIGE na nga, HINDI na-BOO si KORINA…
EKLAT: PANOORIN n’yo na lang sa YOUTUBE ‘yung KORINA ‘BOO’ SANCHEZ video.

ADVERTISING

SIPAT: PRINSIPYO raw ang IPINAGLALABAN ni WILLIE REVILLAME kaya niya HINAMON ang ABS-CBN na SIBAKIN si JOBERT SUCALDITO kung HINDI, e siya ang magre-RESIGN.
EKLAT: RESIGN ka na nga PAPI para MAIPAGLABAN mo ‘yang PRINSIPYO mo!

SIPAT: Kaya tuloy mas magiging EXCITING ang WOWOWEE.
EKLAT: ‘Dami kasing NAKAABANG sa pagre-RESIGN ni WILLLIE!

SIPAT: HINDI magre-RESIGN si PAPI. Pustahan!
EKLAT: Kay MANNY V ang BOTO ni PAPA AZZI ‘pag NANGYARI ‘yan!

SIPAT: Kung MANANALO si MANNY V, tapos ADVISER niya si PAPI…
EKLAT: Ang PAGTULONG sa MAHIHIRAP, parang AUDITION sa WOWOWEE!

SIPAT: ‘IYO na ang SURVEY, sa AKIN ang BOTO!’ sey ni LOREN LEGARDA kay MAR ROXAS.
EKLAT: ‘Yan ang FIGHTING SPIRIT… sa TAGALOG, PAMPALAKAS-LOOB!

SIPAT: ‘ISA po akong PSYCHOLOGY…’ sey ni MARIAN RIVERA sa interbyu ng TV PATROL.
EKLAT: KELAN po ang ENROLMENT sa inyo?

SIPAT: SWAK sa DARATING na ELEKSIYON ang KASABIHANG ‘Nasa DIYOS ang AWA, nasa TAO ang GAWA’.
EKLAT: Translation: ENDORSEMENT ng RELIGIOUS GROUPS vs. PANDARAYA. VOTE WISELY po!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING