Korina Sanchez, goodbye na rin sa Rated K

Korina Sanchez, goodbye na rin sa Rated K

Korina-SanchezBY THE time na magsimula na ang kampanya para sa 2016 national elections, ang karera ng broadcast journalist na si Korina Sanchez will have to take a backseat.

Married to administration candidate Mar Roxas, pansamantalang magpapaalam sa ere ang lingguhang Rated K ni Ate Koring dahil seeing her is almost like seeing her kasama ng kanyang mister from a 2D (two-dimensional) perspective, ‘ika nga.

Besides, hindi si Superwoman si Ate Koring na nagso-show on one hand at nangangarag sa pangangampanya on the other.

Tsika ng isang kaibigang malapit sa kanya, “Naku, hindi pa nga officially nagsisimula ang campaign period, nakaalsa na ang eyebags ng lola mo, ‘no!

Nakuha namin ang firsthand info na ‘yon as early as September this year, way before inanunsiyo ni PNoy ang pag-eendorso kay Mar bilang kahalili niya.

How much more in the coming months, ano na kaya ang itsura ni Ate Koring?

Ang wish lang namin: mag-pay off ang mga dumaragdag na eyebags ng pamosong mamamahayag.

 

EPISODE TUNGKOL sa bastusan ang hatid ng Ismol Family this Sunday.

Sinabihan si Mama A ni Totoy Laki (Kenneth Sagra) na ihahatid siya. Hindi siya nagalit sa lalaki at na-conscious pa nga. Pero nang si Majay ang nasabihan ni Totoy Laki, ang feeling ni Majay ay nabastos siya kaya sinuntok niya ito.

Ikinatampo tuloy ito ni Majay dahil hindi nagalit si Jingo sa pambabastos sa kanya.

Sinabihan pa ni PJ ang daddy niya na duwag. Feeling ni Majay, hindi siya kayang ipagtanggol ng asawa.

Pero sinugod ng nanay ni Totoy Laki ang Ismol Family. Idedemanda raw si Majay dahil menor de edad pa pala ang sinuntok nito. Makukulong kaya ang bida natin? Paano na ang tampuhan nila ni Jingo?

Mukha namang napapalapit itong si Bernie kay Pearl (Kenneth Pearl Medrano). Inuudyukan siya ni Jingo na ligawan na lang ang babae. Puro deny naman si Bernie, nami-miss lang daw niya si Natalia.

Samantala, na-short ng 2K ang pera ni Mama A. At si Lance pala ang kumuha. Pero teka, ibibili naman pala ng lupa ni Lance si Mama A under her name, ikatuwa kaya ito ng matronix o ikagalit pa?

May nag-o-offer naman ng trabaho kay Lora (Boobay), aalis na ba siya siya sa Ismol Family? Paano na si Dello?

Mukhang may binabalak sina Yumi at Ethan. Bakit kaya sila nagpunta sa simbahan?

Abangan ang lahat ng ‘yan sa Ismol Family ngayong Linggo.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III