Korean actor Jin Ju Hyung, pumirma sa Viva

ADVERTISING

Korean actor Jin Ju Hyung, pumirma sa Viva

Korean actor Jin Ju Hyung, pumirma sa Viva
Jin Ju Hyung

NASA pangangalaga na ng Viva Artists Agency (VAA) ang Korean actor na si Jin Ju Hyung na naging leading man ni Devon Seron sa pelikulang You With Me. Pumirma ng five-year contract ang binata sa VAA nu’ng Tuesday afternoon (Feb. 6).

Ang Viva ang hahawak ng career sa Pilipinas ni Jin na gustong makatrabaho sina Sarah Geronimo, Erich Gonzales at Crush naman daw niya among Pinay actress si Liza Soberano.

Sey ni Jin, gusto niya raw talagang mag-work sa Pilipinas simula nung nagsyuting siya ng You With Me.

“I’m so excited, I really love Philippines while we shoot You With Me. I feel really good and it was my great memory. After then I really want to work in the Philippines,” sambit niya.

ADVERTISING

Paano ba niya idi-describe ang Pinoy fans?

“They are really sweet, nice, and cute. In Korea, they are different, but here in the Philippines, they are very nice,” pahayag pa nito.

After ng contract signing ay lumipad agad si Jin pabalik ng Korea para sa ilang commitments na naiwan niya doon including a TV series na ipapalabas sa July.

Nakilala si Jin sa mga Korean series na Hwarang at Suspicious Partner.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING