Kontrobersiyal na sexy actress nagpaparamdam, nagpadala ng paella kay Direk! – Ronnie Carrasco

ADVERTISING

Kontrobersiyal na sexy actress nagpaparamdam, nagpadala ng paella kay Direk! - Ronnie Carrasco

Kontrobersiyal na sexy actress nagpaparamdam, nagpadala ng paella kay Direk! - Ronnie CarrascoBAGAMA’T BUONG PUSO NAMANG tinanggap ng isang TV director ang regalong pagkain na ipinahatid sa kanyang pamilya noong Christmas Eve last year ng kanyang ex-girlfriend (na kontrobersiyal pa rin sa kanyang pagkakaugnay sa lalaking may sabit), past is past.

ADVERTISING

Nasa gym si Direk nu’ng time na ‘yon, dinatnan niya sa bahay ang kanyang imbiyernang ina who was obviously not touched by the gesture of her son’s former dyowa. The nerve pa raw ng aktres na ‘yon na padalhan sila ng paella, gayong ito ang kumalas kay Direk noon pang September in favor of a world-renowned local celebrity.

Pero wala na silang magawa, naroon na sa kanilang hapag-kainan ang paella na puwede naman nilang pagsaluhan nu’ng media nocheng ‘yon. Pero dayalog ni Direk: “Baka kaya siya (aktres) nagpadala ng paella, eh, feeling niya, naeelya pa rin ako sa kanya… hindi na, ‘no!”

ANUMANG PUBLICITY SLANT ang gawin ng GMA CorpComm, tila mahihirapan pa rin silang ipagpilitan that in real life ay may namumuong relasyon sa dalawang pares ng latest telefantasya network.

ADVERTISING

Sa totoo lang, nakakarindi na ang puwersadong pagli-link kina Kris Bernal at Aljur Abrenica, at Carla Abellana at Geoff Eigenmann. Taliwas kasi ‘yon sa mga totoong kaganapan in their respective lives, romantic, that is.

Like in the case of Aljur-Kris, may tanong kung kelan daw ba ang kanilang huling kiss as if to insinuate that the act of intimacy took place in real life. Susme, sa taping lang pala ‘yon!

Ayaw ring ipabanggit nina Aljur at Kris ang mga “misteryosong” nauugnay sa kanila sa totoong buhay, including the significance of Bohol in the actor’s life. Paano kasi, masisilat nga naman ang loveteam na ito na sobrang ipinu-push ng network.

At least, ang paella ng kontrobersiyal na aktres in my previous item ay hindi nakakaumay kainin (huwag lang araw-araw, ‘no!), but this Aljur-Kris romantic recipe no longer appeals to the palate!

KUMBAGA SA DAMIT ay dinagdagan lang ng accent ang Startalk, hence, ang bago nitong segment na Startalk Timeline na ang nag-buena mano nga nitong Sabado ay ang pagtutok ng programa sa pagdating ni Krista Ranillo sa bansa.

Maagap ang Startalk, hindi kasi ito nagkasya sa pag-antabay sa starlet sa arrival area ng NAIA. As if to mislead the media on standby, sa departure area iniluwa si Krista unchaperoned. While on vacation kasi, nabalitang buntis umano ang starlet based on a check-up at Cebu hospital, pero itinawa lang niya ito. Sinubukan ng Startalk na i-phone patch si Jinkee Pacqiao nu’ng iniere ng programa ang naturang exclusive footage.

Initially, nakausap ng Startalk si Jinkee, but the succeeding call yielded no response from her. Maliwanag na ayaw mag-react ni Jinkee, another act of dignity para hindi na patulan pa ang isa na namang ka-tsipang isyu.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING