KONTRABIDA TO BIDA: Yam Concepcion, magpapasiklab na sa ‘Init sa Magdamag’

THE LONG WAIT is over for the fans of Yam Concepcion! Kung noon ay kumulo ang dugo ninyo sa karakter niya bilang si Jade sa Halik na binasagan pa siyang ‘Pambansang Kabit’ at ginustong i-confront siya sa mga eksena niya bilang palabang si Dana Wong sa ‘Love Thy Woman‘, ngayon naman ay mas lalo tayong pabibilibin ng sexy dramatic actress.

KONTRABIDA TO BIDA: Yam Concepcion, magpapasiklab na sa 'Init sa Magdamag'
Yam Concepcion

Ngayong araw na opisyal na mapapanood ang ‘Init sa Magdamag‘. Gaganap si Yam bilang Rita, isang dalaga na maiinlab sa isang aspiring doctor named Tupe (Gerald Anderson) na masasangkot sa isang gulo sa politika dahil sa kanyang ama. Sa pagkawala ni Tupe ay makikilala ni Rita ang aspiring politician na si Peter (JM de Guzman). Ang tahimik nilang pagsasama ay magugulo sa muling pagbabalik ni Tupe sa kanilang buhay. Nakakainit hindi lang ng ulo, kundi pati ng katawan dahil sa total hotness ng bagong trio na ito, ‘diba?

Kahit na nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN ay patuloy na nagpo-produce pa rin ang Kapamilya ng mga programa na mapapanood na ngayon sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z Channel 11 and TV5 at 9:20 PM.

Maituturing na big break ito para kay Yam na matagal na rin gumaganap ng second lead and main villain roles. Sa pelikula naman ay nagbida na rin ito sa ilang pelikula tulad ng Rigodon, Amnesia Love, Night Shift at marami pang iba.

Sa uncensored version ng trailer ay lutang na lutang ang galing ni Yam. Nakakakaba na nakakatuwa dahil deserve niya ang title role.

Congratulations, Yam! We’re excited for you! Make our nights hotter! He-he-he!