Komedyanteng si Mahal pumanaw dahil sa COVID-19

Leo Bukas

PUMANAW NA sa edad na 46 nitong August 31, 2021 ang komedyanteng si Mahal o kilala bilang si Noeme Tesorero sa totoong buhay.

Ayon sa kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero,  gastro illness at COVID-19 ang dahilan ng ikinamatay ng komedyante.  Binawian ng buhay si Mahal habang nasa isang ospital siya sa Batangas.

Komedyanteng si Mahal pumanaw dahil sa COVID-19
MAHAL (Noeme Tesorero in real life)

Kung bakit siya napunta sa naturang probinsya ay hindi naman ipinaliwanag ng kapatid ni Mahal.

Dahil COVID-19 ang cause of death ni Mahal kaya kailangan agad  iki-cremate ang kanyang mga labi.

Samantala, bumuhos naman ang pakikiramay sa social media ng mga artstang nakatrabaho ni Mahal.

Ayon kay Rosanna Roces sa kanyang Facebook account, “Pumanaw na po si Mahal. Aka noeme tesorero… isang napaka lungkot na Balita [crying emoji] salamat sa pagkakataong makasama at maka trabaho ka. Uwi na kay Lord Mahal.”

Tila hindi naman makapaniwala si Kiray Celis sa pagkawala ng co-star niya sa Owe My Love.

“Wag po.. wag po.. wag naman sana.. sana hindi totoo. Wag po…” post niya sa kanyang Facebook account.

Maging ang volleyball star turned actor na si John Vic de Guzman na  co-star din ni Mahal sa Owe My Love ay nagdadalamhati.

Aniya,“I am lost for words. [crying, praying hands emojis]Ate Mahal in sa  kailanman hinding hindi kita makakalimutan. Maraming salamat sa pagmamahal mo sa akin at lahat ng taong iyong natulungan at napasaya. Rest In Peace. MAHAL ka namin.”

Nagbigay-pugay din sa komedyante ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

“MARAMING SALAMAT MAHAL, SA NAPAKALAKI MONG PUSO.  Pumanaw na ang komedyanteng si Noemi Tesorero o mas kilala bilang Mahal.

“Nakikiramay po kami sa kanyang mga mahal sa buhay,” mensahe nito.