Komedyanteng si Atak, mayroon na ring solo concert

ADVERTISING

Komedyanteng si Atak, mayroon na ring solo concert

AtakNATUTUWA NAMAN kami sa komedyanteng si Atak. Pagkatapos ng matagal na panahong pagtitiyaga niya bilang stand-up comedian at paggawa ng mga cameo role sa TV and movies, finally, may solo concert na siya, huh!

In fact, gaganapin ngayong gabi (Oct. 30) ang kanyang first solo concert na pinamagatang Atak… Moment Ko ‘To. “Sana nga hindi ito ang first and last ko. Sana may sumunod pa,” pabiro niyang pahayag.

At huwag n’yong isnabin kung sino ang mga guests ni Atak, ha! Nandiyan lang naman sina Young JV, Carlo Aquino, Arnell Ignacio, at Jolina Magdangal na nakasama niya sa afternoon series na Flordeliza. Bongga, ‘di ba?

May mga kaibigan din si Atak na manonood ng kanyang Moment Ko ‘To concert at kabilang na Rito sina Direk Wenn Deramas, Benjie Paras, at iba pang mga kasama niya sa pelikulang Wang Fam ng Viva Films.

ADVERTISING

Of course, present din sa concert ang special someone ng kaibigan namin na nagpapasaya sa kanya ngayon. Hindi na lang naming babanggitIN ang name ng guy kasi kasalukuyan itong may girlfriend.

Congratulations, my friend. I-enjoy mo lang ang bawat moment ng iyong concert dahil para sa ‘yo talaga ang gabing ‘yan.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING