Komedyanteng si Alora Sasam, dismayado sa kanyang lovelife

ADVERTISING

Komedyanteng si Alora Sasam, dismayado sa kanyang lovelife

Alora Sasam
Alora Sasam

No boyfriend since birth o sa lenguwahe ng mga bagets, NBSB pala itong si Alora Sasam.

Si Alora ang bagong komedyante na suma-sidekick kay Alex Gonzaga para pandandagdag-aliw at katatawanan sa bagong rom-com ng Regal Films na “My Rebound Girl” na bida si Alex at ka-partner na si Joseph Marco.

Kuwento ni Alora, laking probinsiya siya. Probinsiya by heart, kaya ‘di tulad ng ibang bagets na malakas ng loob, mahiyain daw siya.

Kung uso nga lang daw na ang babae ay puwedeng manligaw (na hindi niya nakasanayan), “Baka may boyfriend na ko. Kaso wala, e. Never pa.”

ADVERTISING

Ang lakas-loob ni Alora sa panimulang pag-a-awra niya sa social media ay sa Facebook lang.

“Kapag cute ang lalaki, magha-“Hi” ako.”

Pero most of the time, hindi na nasusundan ng panimulng pagbati niya.

Sa grand presscon ng pelikula na nasa direksyon ni Emmanuel del Cruz, idinaan na lang ni Alora sa biro ang pagkadismaya niya sa kanyang lovelife.

“Ayaw nila sa akin. Sabi ng mga friends ko, hindi ako maa- appreciate ng mga Pinoy,” pagka-klaro niya sa amin after ng open forum.

Kaya nga raw hanga siya sa Mamang Pokwang niya. Super guwapo ng dyowa (Lee O’Brian). Saan ka pa? Love na love siya ng boyfie niya.

“Sana darating ang time na mahanap ko na rin ang first boyfriend ko,” sabi ng dalaga sa amin.

Pero ang hindi alam ni Alora, ang mga komedyanteng katulad niya ay mas trip ng guwapings na boys kaysa sa girls na mas may edge sa ganda kaysa sa kanya.

Sa bagong pelikula ng komedyante na mapanonood na sa September 28, kasama ni Alora sina Carl Guevarra at Martin Escudero.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING