Komedyante, nangutang ng P5-M sa kapwa komedyante para ayusin ang buhay

BLIND ITEM: Nakakatuwa naman kung totoo ang nabalitaan namin na nangutang ang isang komedyante sa isang kapwa komedyante ng limang milyong piso para lang makapagsimula muli ng panibagong buhay.
Hindi naman daw nagdalawang-isip ang nagpautang dahil nangako naman ang nangutang na ito’y kanyang unti-unting babayaran ‘pag nakabawi na mula sa isang kontrobersiyang tumakbo rin nang matagal-tagal.
At least, nakakatuwa pa rin ang balitang ito, ‘di ba?
Wala munang clue ha? Ayoko ring magbigay ng initials. Basta magkasama sila sa show.

By Ogie Diaz