Kokoy de Santos paborito ng Kapuso Network kahit walang exclusive contract

BIDA ang Game Boys breakthrough star na si Kokoy de Santos sa upcoming episode ng Regal Studio Presents na pinamagatang “Ikaw si Ako, Ako si Ikaw“. May body switch concept ang istorya at makakapareha niya rito ang magandang aktres na si Shaira Diaz.

Kokoy de Santos paborito ng Kapuso Network kahit walang exclusive contract
Kokoy De Santos

Kung ang mga fans ng kanyang mga nagawang Boy Love o BL series and movies ay kinilig sa kanyang mga nakaparehang lalaki, siguradong marami rin ang kikiligin sa kakaibang tambalan nila ni Shaira, na in real life ay girlfriend ng kanyang Pepito Manaloto Kuya na si Edgar Allan Guzman.

Speaking of Pepito Manaloto, marami ang pumupuri sa effective portrayal ni Kokoy bilang Batang Patrick, na originally ay ginagampanan ni John Fier. Sa katunayan, mas napapansin ito kumpara sa mga kasamahan niya sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

To be fair, walang patapon sa show na ‘yun at may mga kabataan at matatanda na rin na biglang nagka-interes na balikan ang magandang nakaraan ng Manaloto Family.

Nakakabilib din na kahit na walang kontrata si Kokoy sa Kapuso Network ay palagi itong kinukuhang guest sa mga variety and weekend shows. Hindi na kami magtataka kung isang araw ay kukunin na itong bida sa teleserye.

Interesting na mapanood si Kokoy bilang playboy photographer named Marco na makikipag-switch sa scammer na estudyante na si Janice (played by Shaira Diaz). Base
sa kanilang live interview kahapon ay mala-konyo ang pananalita ni Marco rito.

Abangan ninyo ang Regal Studio Presents Ikaw si Ako, Ako si Ikaw ngayong darating na Sunday, 4:35PM pagkatapos ng Dear Uge. Sa kanilang bagong timeslot ay mas tataas kaya ang rating nila?