Kokoy De Santos at Shaira Diaz masusubukan ang chemistry sa ‘Regal Studio Presents: Ikaw si Ako, Ako si Ikaw’

MARAMI ang naaliw sa pagdating ng Regal Studio Presents sa telebisyon noong Setyembre. Tatlong feel-good stories ang handog ng GMA at Regal Entertainment Inc. na nagpasaya ng Sabado ng gabi ng ilan sa mga Kapuso viewers.

Sumula ngayong October 3 ay mapapanood na ang Regal Studio Presents sa regular timeslot nito na 4:35 PM every Sunday afternoons na siguradong kagigiliwan din ng mga manonood.

Kokoy De Santos at Shaira Diaz masusubukan ang chemistry sa 'Regal Studio Presents: Ikaw si Ako, Ako si Ikaw'
Kokoy de Santos and Shaira Diaz

Ang buena mano ngayong araw ay ang kakaibang romance-comedy na ‘Ikaw si Ako, Ako si Ikaw‘ na pinagbibidahan nina Kokoy de Santos at Shaira Diaz, na first time magtatambal sa isang proyekto.

Ang ‘Ikaw si Ako, Ako si Ikaw’ ay kuwento nina Marco (Kokoy de Santos), isang hot shot photographer na may pagka-playboy. Mahilig ito makipag-date sa mga babae, pero wala itong sineseryoso. Mr. Conyo Kid pa ito. Si Janice (Shaira Diaz) naman ay isang Nursing student na nagipit kaya kumapit sa patalim sa pamamagitan ng panggagantso ng mga tao.

Sa isang hotel ay magkakakilala ang dalawa at dahil sa isang nakakawindang na pangyayari ay magkakapalit sila ng katawan! Sa kanila bang pagkakapalit ng katawan, may mabubuo bang pag-iibigan?

Si Kokoy De Santos ay maituturing na isa sa biggest stars of 2020 dahil sa tagumpay ng kanyang mga digital series na ginawa noong kasagsagan ng pandemya tulad ng Oh Mando, Stay-In Love at s’yempre, ang itinuturing na biggest BL ng Pilipinas na GameBoys, kung saan minahal ng madla ang tambalan nila ni Elijah Canlas. This year ay napili rin ito na gumanap na Batang Patrick (John Fier) sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

On the other hand, si Shaira Diaz naman ay isa sa mga paboritong Wattpad Princesses sa TV5 noon. Almost four years na rin ito sa Kapuso Network at nabigyan ng second lead role sa ‘Love You Two’ with Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado, pero honestly speaking, hindi pa niya nari-reach ang peak ng kanyang potential as a leading lady. Para sa amin, para siyang Young Dawn Zulueta  o Roxanne Guinoo. Nakatakda naman siyang magbida with Ruru Madrid sa Lolong, na hindi namin sure kung kailan ba talaga maipapalabas.

Sa fresh team-up na ito ay nadiskubre namin na puwede rin sila maging onscreen partners. Sabik kami na mapanood ang full episode ng ‘Ikaw si Ako, Ako si Ikaw’ dahil sa totoo lang, may spark ang kanilang trailer.

Mapapanood na ang ‘Regal Studio Presents: Ikaw si Ako, Ako si Ikaw’ ngayong Linggo ng hapon, 4:35 PM pagkatapos ng Dear Uge sa GMA.