Kobe Paras, sinorpresa ang kapatid na si Andrei Paras

Kobe Paras, sinorpresa ang kapatid na si Andrei Paras

Andre-Paras-Kobe-ParasNAKATUTUWA NAMAN ang closeness ng magkapatid na Andrei at Kobe Paras.

Kahit sandali lang, talagang sumaglit si Kobe na umuwi ng bansa para lang makasama si Andrei sa birthday nito.

Nagkausap lang kasi sila sa Skype nu’ng birthday mismo ni Andrei nu’ng November 1. Wala siyang kamalay-malay na naka-schedule palang umuwi si Kobe. Kaya pagkagaling niya ng taping, talagang gulat na gulat siya pag-uwi nang biglang lumitaw sa likuran niya si Kobe.

At least nagkaroon sila ng bonding kahit sandali lang.

Nalulungkot na rin kasi si Kobe dahil hindi siya makapag-Pasko rito sa atin. Nasanay pa naman daw siya na kasama niya ang pamilya niya kapag Pasko, at ngayon lang talaga sila magkakahiwalay.

Wala naman daw siyang magawa dahil start na ng season nila sa school nila, kaya kailangan niya talaga ang puspusang ensayo.

Inggit na inggit nga si Andrei kay Kobe dahil lalo raw itong gumaling. Wish daw niya na makalaro uli si Kobe at matalo raw niya ito. Ang cute nga nilang magkapatid.

Kung namamayagpag naman si Kobe sa basketball sa Amerika, bongga naman ang showbiz career ni Andrei. Kaya rito raw muna siya sa showbiz mag-concentrate, lalo na’t sobrang taas ang rating ng The Half Sisters nila. Kaya nai-extend tuloy sila. Bongga na rin!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis