Kobe Paras, instant fan ang isang Disney/broadway star

Kobe Paras, instant fan ang isang Disney/broadway star

Kobe-ParasBUKOD SA paghanga ng mga Amerikano at ng mga Pinoy na nakabase na sa Amerika sa husay mag-basketball ni Kobe Paras na ngayon ay nag-aaral sa Cathedral High School sa Amerika, nakuha rin nito ang paghanga ng Disney star at Broadway teen actress na si Maria Ana De Tagle.
Isa nga raw ang Disney star sa sumusuporta at nanonood ng laro ng basketball team ni Kobe. Everytime nga raw na may laro ang koponan nina Kobe, maraming mga Pinoy ang nanonood.
Isa nga raw si Kobe sa pambato ng kanilang koponan at naging dahilan para makapasok sa Regional Finals ang kanilang team, kaya naman mas dumarami pa ang mga tagahanga nito sa Amerika.
Hot Air Balloon Event sa Lubao, Pampanga

MAGAGANAP ANG isang bonggang-bonggang Hot Air Balloon Event sa March 26-29, 2015 sa Lubao, Pampanga, kung saan darayuhin ng iba’t ibang kalahok mula sa sa iba’t ibang panig ng bansa.
Inaasahan nga ang pagdalo ni Bimby Aquino Yap na nakita namin sa poster ng event. Malaking boost ito sa turismo ng Lubao, Pampanga sa pangunguna ng masipag at butihing Mayor ng Lubao na si Mylene Pineda.

John’s Point
by John Fontanilla