Klea Pineda, havey na havey ang pagiging kontrabida kay Kylie Padilla sa ‘Bolera’

MARAMI ang pumupuri sa ipinapakitang performance ng Kapuso actress na si Klea Pineda sa ongoing sports drama ‘Bolera‘, kung saan siya ay gumaganap bilang Sheena a.k.a. Golden Eye, ang hot girl na tinik sa buhay ng ating bida na si Joni (played by Kylie Padilla).

Klea Pineda, havey na havey ang pagiging kontrabida kay Kylie Padilla sa 'Bolera'
Klea Pineda in ‘Bolera’

Tila nasanay ang mga televiewers na palaging good girl at inaapi si Klea sa mga karakter na kanyang ginagampanan kaya marami ang surprised sa pang-aasar nito sa Bolera, na hindi rin makapaniwala ang aktres na marami ang affected sa performance niya as a bad girl.

Ayon sa dalaga, noong una raw ay hindi siya sure kung tatanggapin niya ang proyekto dahil first time niya magiging kontrabida. Ito ang dahilan kung bakit masaya siya sa magandang feedback ng fans.

“So far, base sa comments ng mga tao, na-enjoy ko siya. Natutuwa ako na ‘Uy! Effective pala ako.’ Puwede pala akong maging kontrabida,” saad ni Klea sa TikTok Live na ginawa nila ng kanyang co-star na si Jak Roberto noong Miyerkules.

“Kasi before sobrang takot ako tumanggap ng kontrabida role kasi parang hindi ko kayang magmaldita onscreen. Parang gusto ko palagi ako ‘yung kinakawawa. ako ‘yung inaapi.

“Pero finally, nag-decide na rin akong umalis sa comfort zone ko, siyempre ‘di ba? And since iyon na ‘yung nakasanayan ko bakit hindi ako mag-try ng something new. Na-enjoy ko siya sobra and natutuwa ako sobra sa mga comments ng tao kahit gigil na gigil sila sa akin.”

“Halos sa lahat ng pictures, sa lahat ng videos naka-comment talaga sila ng ‘Badtrip ka Golden Eye. Bakit ka ganyan kay Bolera?’ So parang ako, ‘Well guys, I’m so sorry kailangan ko ‘to ‘e, sabi ni direk.'” lahad pa ng magandang aktres.

Pagdating sa kanyang experience sa set ng ‘Lolong’, “Hindi mahirap pakisamahan lahat ng taong naroon. Halos lahat nag-uusap-usap. Halos lahat masaya, nagba-bonding talaga.” pagtatapos nito.

Previous articleVLOG WATCH: Elisse Joson’s updated makeup routine
Next articleThings You Didn’t Know About Ruru Madrid