Klaudia Koronel, lumipad ng Los Angeles from Arizona at iniwan ang rich boyfriend?

ADVERTISING

Klaudia Koronel, lumipad ng Los Angeles from Arizona at iniwan ang rich boyfriend?

Klaudia Koronel With Angel Bonilla
Klaudia Koronel With Angel Bonilla

Isang balita ang nakalap namin mula mismo kay Angel Bonilla, ang socialite at singer na winner (2nd Prize) sa Discovery Pop Music Festival 2016 na ginanap sa Varna, Bulgaria.
Ibinalita nga nito through Facebook chat na pinuntahan sila ng kanilang kapwa socialite na kaibigan at former actress na si Klaudia Koronel dahil broken-hearted ito. May problema umano sila ng kanyang super rich boyfriend.
Kuwento nga ng mahusay na singer na si Angel, “Pumunta si Klaudia Koronel rito sa LA from Arizona, kasi broken-hearted daw siya.”
Dagdag pa ni Angel, “May hindi yata sila pagkakaunawaan ng kanyang boyfriend na nauwi sa pag-aaway. At para hindi na mas lumaki pa, mas pinili na lang ni Klaudia na umalis sa Arizona at makipagkita nga sa amin sa LA. At dahil kaibigan namin siya, nandito kami para damayan siya at bigyan na rin ng payo.”
Ayaw na raw idetalye ni Angel kung ano man ang iba pang napag-usapan nila ni Klaudia kaugnay sa tampuhan nito at ng kanyang rich boyfriend. Mas maganda raw na si Klaudia mismo ang magkuwento ng real score sa ‘di nila pagkakaunawaan ng kanyang boyfriend.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING