Kitkat may “pa-last time” na patutsada kay Janno Gibbs

Leo Bukas

TANGGAL NA ang dating Star Magic artist na si Kitkat sa isang afternoon game show ng isang TV network. Ang dahilan nito ay ang lumalang away nila ng co-host niyang si Janno Gibbs.

Sa Facebook idinaan ni Kitkat ang aniya ay “last time” na niyang pahayag tungkol sa isyu nila ni Janno.

Kitkat may "pa-last time" na patutsada kay Janno Gibbs
Kitkat

“Ginawa ko po ang dapat gawin. Sinabi ko lang ang totoong nangyari at bugso ng damdamin ko dahil nabastos ako.   Pinili kong huwag nang ilabas ang ibang nangyari off-cam,” simulang bahagi ng kanyang Facebook post.

“Opo, inaamin ko yung pinakauna kong statement ryt after ng nangyari ang lahat na ipina-delete din agad sa akin ng mga taong itinuturing kong dapat kong pakinggan. Dala na rin siguro ng bugso ng damdamin at kahihiyang inabot ko, kaya normal lang sa isang babaing tulad ko na napahiya at nabastos ang maglabas ng sama ng loob. Pero wala akong sinabi na hindi totoo,” giit pa niya.

Ayon pa sa singer-comedienne, hindi niya rin naiintindihan kung bakit tinanggal siya sa  game show.

“Hindi ko alam kung bakit tinatanggal ako sa afternoon show namin,  sa dahilang di ko naiintindihan. Malamang dahil mas madali ang walang panigan kesa madamay pa ang hindi dapat nadadamay.  Naiintindihan ko naman,” lahad niya.

Sinagot din niya ang naging pahayag ni Janno na he was “provoked” kaya “nabastos” siya nito on air.

“Provoked? We were playing games, of course, “asaran” is part of the play. But ang mamahiya, mambara, magsalita ng kung ano ano at mambastos sa taong nagsasalita at yung magwawala ka were not part of the game …

“Play. Naglalaro tayo, Naglalaro. Napikon ka. Yan ang nangyari… Ako ang dapat napikon,  pero hinayaan ko lang na madurog ako, mapahiya kahit di ko deserve dahil kailangan kong magpaka-professional sa harap ng camera.

“Pinagmumura mo ako sa harap ng maraming tao. Dinuro-duro. Pinahiya.

“Bigyan mo ng dahilan ang ginawa mo. Pahabain mo pa itong usapin na ito, isa lang yan, hindi ka marunong rumespeto sa kapwa mo. Wag nang dahil babae ako, luma na yan. Pagkatao na lang.

“Wag mo naman pong palabasin na kasalanan ko dahil you were ‘provoked’?” diin pa niya.

“Sukatin mo ang sinabi ko sa reaksyon mo nung oras na yun, timbangin mo. Sa sinabi ko ba, nagkaron ka na ng karapatan pagmumurahin ako na parang sinira ko ang buhay mo?

“Alam mo ang ginawa mo at ang nangyari. Kung papano mo makikita yan, ikaw at sarili mo na lang ang makakaalam. Maraming nakakita, nakapanuod at alam ang totoong nangyari. Ibibigay ko na yan sa katotohanan. Wala nang silbing ilaban ko pa sa yo yan.

“Parehas tayong nawalan sa pangyayaring ito. Good luck sa atin pareho. Kung ano man ang nasabi ko na hindi mo nagustuhan at tingin mo e naging right mo sa mga ginawa sa akin, I apologize kung paanong Napatawad na rin kita,” mensahe ni Kitkat kay Janno.

Kitkat may "pa-last time" na patutsada kay Janno Gibbs
Janno Gibbs

Sa huling bahagi ng post ni Kitkat ay sinabi nitong hindi fair na basta na lang siya tanggalin sa show.

Sa management, respeto at pagmamahal pa din po ang deserve nyo. Mahal na mahal ko po kayo lahat dyan..

“But the decision to take me out wasn’t fair but I will take it. You should’ve just given me the dignity of letting me go when I asked to resign. But you opted to remove me after we had a talk and when all was supposedly ironed out already.

“Nagpaalam po ako na magpo-post ng pagpapatawad, and yun ang last post ko as in last, dahil getting ready na ako pumasok kinabukasan nang magaan ang loob nang dahil sa pagpapatawad na inayunan po ninyo.

“At the end of the day, no matter what happened, we all know the truth about the whole issue. The real truth.

“Salamat po sa lahat, Net25, sa mga natutunan at mga opportunities po, at sa mga nakatrabaho ko. Mahal ko po kayo with so much Respect…

“Malungkot man ang pagtatapos na ito, tuloy ang pag-ikot ng mundo, tuloy ang pag-ikot ng buhay at tuloy lang ang buhay nating lahat.

“This is the LAST time I am going to talk about this,” huling pahayag ni Kitkat.