Kiray Celis, walang ka-effort-effort na nakatikim kay Derek Ramsay

Kiray Celis, walang ka-effort-effort na nakatikim kay Derek Ramsay

Kiray Celis, walang ka-effort-effort na nakatikim kay Derek RamsayNatatawa ako palagi kay Kiray Celis. Usisain mo siya, palagi siyang may sagot na kung hindi ka mapangingiti ay matatawa ka.

May sariling istilo si Kiray Celis kung papaano sumundot para magpangiti ng kausap niya. Kaya nga during the media launch ng pelikulang “Love is Blind”, laugh trip ako. Natatawa ako sa kanya.

Tama ang sabi ng iba, hindi mo kailangang maging maganda para magustuhan ka ng opposite sex. Kung marunong kang magpatawa, ayos ‘yun para makuha mo ang atensyion ng kapartner mo.

Kung minsan, hindi man gasino kaguwapuhan o kagandahan, pero may kakaibang sense of humor, sila pa ang makabibingwit ng mas maganda at ilusyon ng marami.

Karakter si Kiray sa amin. Pretty siya sa pamantayan namin, pero hindi sa standard ng pamantayan namin ng “beauty”. Pero hayaan mo si Kiray magsalita at magpatawa, asahan mo, ang mga tipo nina Derek Ramsay (co-star niya sa pelikula), Piolo Pascual, or Sam Milby ay mai-in-love sa kanya dahil sa humor ng dalaga.

“Suwerte ako, ‘no? Naka-kissing ko si Derek Ramsay, walang ka-effort-effort,” natatawang kuwento niya.

Ewan ko kung biruan lang nila ni Derek na lasang “siomai” si Kiray nang maganap ang kissing scene nila. “Siya (Derek) nag-toothbrush bago kunan ang eksena namin. Ako hindi, kakakain ko lang ng siomai,” sabi ng baliw na si Kiray.

For Valentine, kung trip n’yo na cool at chill lang, don’t forget “Love is Blind” sa February 10 na.

Reyted K
By RK VillaCorta