Kiray Celis sa halik ni Derek Ramsay: “Kinakain n’ya po ‘yung labi ko!”

ADVERTISING

Kiray Celis sa halik ni Derek Ramsay: “Kinakain n’ya po ‘yung labi ko!”

Kiray Celis sa halik ni Derek Ramsay: “Kinakain n’ya po ‘yung labi ko!”Unang screen kiss ni Kiray Celis sa pelikula si Derek Ramsay na kapareha niya sa “Love Is Blind” ng Regal Films na showing na sa Feb. 10.

ADVERTISING

Smack lang daw ang kiss ni Derek sa kanya, pero nagtaka siya kung bakit gumagalaw ang bunganga nito.

“‘Yung first kissing scene ko po sa buong buhay ko, ‘yung sa MMK pa, kami ni Arjo (Atayde), hindi gumagalaw (ang bibig). As in, nakaganun (steady) lang po,” sabay muwestra niya.

“Sabi ko, ‘ay okay ‘to. Nung na-try ko si Kuya (Derek), ano po pala, gumagalaw ‘yung mouth niya. Kasi akala ko po, smack lang. Kinakain niya po ‘yung labi ko,” kuwento ni Kiray sa presscon ng “Love Is Blind” kaya nagtawanan ang lahat.

ADVERTISING

Sa palagay ba niya ay nag-take advantage sa kanya ang hunk actor sa kanilang kissing scene?

“Inisip ko na lang talaga na parang ‘ganito pala makipag-kissing scne.’ Pero nu’ng kami naman ni Kuya Kean (Cipriano), hindi naman siya gumagalaw (ang bibig).

“Si Kuya Kean, ‘pag nag-kiss kami, ganyan lang (smack),” muwestra ulit niya.

“Kaya tingnan n’yo, ‘pag tinatanong n’yo si Kuya Derek, kumustang ka-kissing scene si Kiray?, ‘malambot ang labi niya (ang isasagot),’ so alam n’yo na, connected ang kwento namin, so, hindi ako gumagawa ng kwento.

“Kasi nga, hinahatak nya po ‘yung labi ko. Ganu’n siya,” sey ni Kiray na naiiling, pero natatawa naman.

Kasama rin sa Love Is Blind si Solenn Heussaff.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING