Kiray Celis, p’wede nang ihanay kina Ai-Ai delas Alas at Pokwang

Kiray Celis, p'wede nang ihanay kina Ai-Ai delas Alas at Pokwang

Kiray Celis, p'wede nang ihanay kina Ai-Ai delas Alas at PokwangAliw kami sa pelikula ng Regal Films na “Love Is Blind”. Sa red carpet premiere last Friday sa SM Megamall, sa first three minutes ng pelikula, laugh to death na kami.

Yes, ang Valentine presentation ng Regal na pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Solenn Heussaff, Kean Cipriano, and The Kiray Celis of Philippine Showbiz (yes, she deserves the tag) ay laugh trip para sa amin.

Tulad ng pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin na “Beauty And The Bestie” last MMFF 2015, itong pelikula ni Direk Jason Paul Laxamana ang pangalawa pa lang sa mga bagong local Pinoy comedy flick na nagustuhan namin.

Biro nga ng dalawang kaibigang bloggers sa amin na mahirap akong patawanin. Pero puna nila, tawa ako nang tawa habang pinanonood namin ang pelikula. Iisa ang review namin, happy ang pelikulang “Love is Blind”. Wagi!

Sa totoo lang, keri pala ni Kiray ang magpatawa without exerting an effort. Ang galing ng timing niya sa mga eksena niya with Derek and Kean, may sarili siyang eksena na gagawin na hahagalpak ka ng tawa. Super aliw ang kanilang beach scene ni Derek na kami man, tulad ng ibang manonood that evening, ay mabaliw-baliw sa pinaggagawa ni Kiray sa pelikula.

Yes a new comedy actress is born, at ito’y sa katauhan ni Kiray Celis.

No wonder kung bakit ganun kainteresado sina Mother Lily at Ms. Roselle Monteverde of Regal Films na i-launch ang career ni Kiray sa big screen, dahil magaling siyang magpatawa. Ang plano ng Regal Films kay Kiray ay six movies ang gagawin niya. At kung mapapagbigyan, after Derek and Kean as her leading men, si Sam Milby naman ang gusto niyang maka-partner sa big screen.

I’m sure, after itong “Love is Blind”, p’wede nang ihanay si Kiray sa pagpapatawa kina Ai-Ai delas Alas at Pokwang.

Why not a comedy movie kaya featuring Ai-Ai delas Alas, Pokwang and Kiray? Not a bad idea.

Sa red carpet event, nandun at present si Tita Fanny Serrano (na naniniwala sa kagandahan ni Kiray na nagbigay sa kanya ng beauty transformation) at si Direk Wenn Deramas na nanay-nanayan naman ng bagong comedy actress.

Sa Wednesday, February 10, I’m sure hahagalpak ka sa katatawa. Yes, hindi ito press release dahil hindi madaling bumili ng pralala.

Reyted K
By RK VillaCorta