Kiray Celis, proud na proud magka-boyfriend

ADVERTISING

Kiray Celis, proud na proud magka-boyfriend

Kiray Celis, proud na proud magka-boyfriend
Kiray Celis

MAY BOYFRIEND na si Kiray Celis. Ito ang ang kanyang ipinagmalaki presscon ng pelikulang My Fairy Tail Love Story na pinagbibidahan nina Janella Salvador at Elmo Magalona kung saan kasama rin siya sa cast.

 “It’s about time. I’m too old already. Actually, late bloomer pa nga yon, eh,” nakangiti niyang kuwento sa amin.

Patuloy ni Kiray, “Pero hinintay ko rin na maging stable ang family ko, na parang  hinintay ko rin na may maipagmamalaki ako sa family ko na hindi ko inuna yung boyfriend kesa sa family ko.

“At least ngayon may bahay na kami, work, work, work, and then ngayon happy, may boyfriend…”

Businessman ang boyfriend ni Kiray pero todo-tanggi siya na pangalanan ito. Nagsimula raw mabuo ang kanilang relasyon sa panonood ng sine at pagkain-kain sa labas.

ADVERTISING

“Nanonood kami ng movie, palagi siyang nag-i-invite ng ganun. Mahilig kaming kumain, lagi kaming kumakain. Then, parehas kami ng sodiac sign, sobrang katugma talaga kami. Parehas kaming Leo,” kuwento pa niya.

Samantala, showing na on Feb. 14 ang My Fairy Tail Love Story na prinodyus ng Regal Films under the direction of Perci Intalan.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING