Kiray Celis, pag-aagawan ng “Pasion de Amor” boys sa third movie

ADVERTISING

Kiray Celis, pag-aagawan ng "Pasion de Amor" boys sa third movie

Kiray Celis
Kiray Celis

 Ibang level na talaga si Kiray Celis. Siya kasi ang itinuturing ngayon ni Mothe Lily Monteverde bilang Comedy Queen. Matapos magbida sa “Love is Blind” opposite Derek Ramsay, ngayon ay sila naman ni Enchong Dee ang tampok sa “I love You To Death” na showing na ngayon.

Nang nakahuntahan namin si Kiray, nagulat siya sa Comedy Queen na bansag ng Regal matriarch. Sinabi ni Kiray na pressure na sa kanya ang bansagang Comedy Princess, pero lalo na kung tatawagin daw siyang Comedy Queen.

Puwede kang bansagan ngayon bilang Horror-RomCom Queen, okay ba iyon sa kanya? “Puwede, why not, why not? At least, mag-isa lang ako roon,” sagot niya sa amin.

Nagpasalamat din siya kay Mother Lily sa oportunidad at break na ibinigay nito sa kanya.

ADVERTISING

“Siyempre, sobrang thankful ako, kasi si Mother Lily iyan. Ang dami niyang hinawakan na Regal babies, malalaking artista na ngayon. And coming from her, sobrang big deal iyon, nakakatuwa.”

Inamin din niya na kahit sa hinagap ay hindi sumagi sa kanya noon na magiging Regal Baby siya at magbibida sa mga pelikula.

“Hindi, never kong inisip iyan. Never ko ring inisip na magkakaroon ako ng movie na bida ako, never pumasok po sa isip ko iyan,” esplika pa ng komedyana.

Ang next project mo raw ay movie with “Pasion de Amor” boys na sina Jake Cuenca, Joseph Marco, at Ejay Falcon, ano ang feeling mo rito?

“Oo, with Jake, Ejay and Joseph Marco… Huwag nating dalawahin, huwag nating isahin, tatluhin natin! Bilang pangatlong movie ko na ito, dapat ay tatlong lalaki rin ang kasama ko!” nakatawang saad ni Kiray.

Dagdag pa niya, “Ikinuwento na po iyan sa akin. Nakakatuwa ang story and aarte pa ba ako sa tatlong makakasama ko?”

Ano ang reaksiyon mo na tatlo-tatlo na ang leading men mo ngayon?

“Reaksiyon ko?” Sagot-tanong niya. “Sanay na! Wahahaha!” nakatawang pagtatapos na ni Kiray.

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

ADVERTISING