Kiray Celis, mabilis na pinalitan ang ex-boyfriend

ADVERTISING
Leo Bukas

MAY BAGONG love life ngayon si Kiray Celis, isa sa cast ng pelikulang D’Ninang na pinagbibidahan ni Ai-Ai delas Alas. Ayon mismo sa kuwento ni Kiray, tapos na ang 3 taong relasyon niya sa unang boyfriend na isang non-showbiz.

Grabe rin kung ipagmalaki ni Kiray ang bago niyang karelasyon ngayon.

ADVERTISING
Kiray Celis, mabilis na pinalitan ang ex-boyfriend
Kiray Celis

Aniya, “Super mabait siya. Sobrang marespeto, lalo na family oriented ako, so sobrang nirerespeto niya ang magulang ko at ang mga kapatid ko. Kapag hindi puwede sa parents ko kahit gusto namin hindi namin gagawin or hindi namin pupuntahan. Ganun niya nirerespeto ang desisyon ng pamilya ko.

“Mabait siya. Magalang. Napakalambing. Mas nauuna pa nga siyang umiiyak pag nag-aaway kami, eh. Ako yung moody, ako yung masama sa aming dalawa.”

Naging mag-on ang dalawa nung second week ng December 2019. Hindi ba parang napakabilis naman niyang magpalit ng boyfriend?

ADVERTISING

“Actually hindi mo kailangang maghanap ng bago para maka-move-on pero nagulat na lang ako na bigla siyang dumating. Sa kanya ko kasi nalaman yung worth ko, eh,” reaksyon niya.

Patuloy ni Kiray, “Nung una kasi parang kapag merong ginagawa sa yung hindi maganda lagi mo lang tinatanggap kasi mahal mo yung taong gumagawa no’n sa ‘yo. Pero hindi mo napapansin na hindi mo na pala siya deserve. Tapos nauubos na pala yung respeto mo sa sarili mo. Naubos ko yung respeto ko talaga sa sarili ko.

Kiray Celis, mabilis na pinalitan ang ex-boyfriend
Kiray Celis

“And siya lang yung nakapagpa-realize sa akin na parang hindi ko pala yon dapat tinatanggap at hindi ko yon nararamdaman. Dapat pala hindi ako pumapayag na natutulog ako nang sobrang bigat ng puso ko. Dapat hindi ako gumigising nang umiiyak ako. Dapat yung taong mahal ko, eh, mahal din ng parents ko – kaso lahat yon hindi,” litanya pa ni Kiray.

Showing na ang D’Ninang sa January 22 mula sa Regal Entertainment at sa direksyon ni GB Sampedro. Kasama rin sa pelikula sina Kisses Delavin, Joey Marquez, Kelvin Miranda at McCoy de Leon.

ADVERTISING