Kiray Celis, kahit ka-level na sina Derek Ramsay at Solenn Heussaff, tatanggap pa rin ng supporting roles

ADVERTISING

Kiray Celis, kahit ka-level na sina Derek Ramsay at Solenn Heussaff, tatanggap pa rin ng supporting roles

Kiray Celis, kahit ka-level na sina Derek Ramsay at Solenn Heussaff, tatanggap pa rin ng supporting rolesAyon Kiray Celis, hindi isyu sa kanya na hindi ang Star Cinema, kundi ang Regal Films ang nagbigay sa kanya ng pinapangarap niyang launching movie via “Love Is Blind”.

ADVERTISING

“Walang ganu’ng isyu. Masaya ako na binigyan ako ng trust ng Regal na ibigay sa akin itong napakalaking proyekto na ‘to.

“And hindi naman ako nagtatampo. Never naman po kasi akong naging priority, so wala akong reason para magtampo kasi never kong na-feel na…” katuwiran ni Kiray.

Dahil bida na siya, hindi kaya may tendency siya na lumaki ang ulo.

ADVERTISING

“Malaki na po siya ngayon,” sabay tawa niya nang malakas. “Bata pa lang naman ako, malaki na talaga ang ulo ko. Hahaha!” biro ulit niya.

“Inaasar ko nga ‘yung mga friends ko, sina Ella Cruz, sabi ko pagdating ng Feb. 10 may mga gap na tayong lahat kasi nga siyempre movie ko ‘to, bida ako rito, so sabi ko, ‘pag nagreply ako sa inyo, smiley na lang.’ Sabi nila, ang kapal daw ng mukha ko,” natatawa niyang kuwento.

Samantala, kahit bida na siya sa “Love Is Blind” at ka-level na niya sina Solenn Heussaff at Derek Ramsay ay tatanggap pa rin daw siya ng supporting roles?

“Oo naman, tatanggap pa rin ako. Kasi gipit pa rin naman po ako hanggang ngayon. Pera-pera lang po talaga ang labanan. Hindi porke’t naging bida ka, hindi ka na puwedeng maging supporting, ‘di ba?” sambit pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING