Kiray Celis, itinatago sa publiko ang boyfriend

ADVERTISING

Kiray Celis, itinatago sa publiko ang boyfriend

Kiray Celis
Kiray Celis

Nang dahil sa box-office success ng pelikulang “Love Is Blind” nina Derek Ramsay at Kiray Celis, binigyan agad nina Mother Lily at Roselle Monteverde ang young comedienne ng follow-up movie na  “I Love You To Death” with Enchong Dee under Regal Films. Marami ang natuwa sa biggest break na ibinigay ng mag-inang Monteverde kay Kiray.

Deserving namang maging bida si Kiray Celis, dahil totoong nakaaaliw siyang panoorin at magaling sa comedy. May timing lalo na kapag eksena na niya ang kukunan. Walang pakialam kahit ano ang ipagawa sa kanya ng director. Okay lang kay Kiray na mag-sirko at mag-tumbling kung kinakailangan sa eksena. Ang maganda sa kanya, walang arte sa katawan, palaging ibinibigay best for the viewing public para sulit ang kanilang ibinabayad.

Sa totoo lang, si Kiray ang malaking factor kaya kumita ang “Love Is Blind”. Super kaming nag-enjoy sa panonood sa nasabing pelikula. Tunay nga siyang alagad ng sining. Masasabi naming si Kirayang “Young Comedy Queen” ng bagong henerasyon. Sabi nga ng yumaong blockbuster director na si Wenn V. Deramas na nakatrabaho ni Kiray sa TV at pelikula, marami pa raw puwedeng ibigay si Kiray pagdating sa comedy. Bilib si Direk Wenn sa young comedienne kaya madalas niya itong kunin sa TV at pelikula.

Nagbunga rin ang pagtitiyaga ni Kiray na maging isang sikat na comedienne.  Bida na siya ngayon sa pelikula nila ni Enchong. Unti-unti nang nararating ng young star ang kanyang mga pangarap.Masasabing blessed si Kiray, umaariba ang career at happy sa kanyang love life sa piling ng kanyang babe na si Brix. Guwapo, simpatiko at tipong artistahin ang dating.

ADVERTISING

Para kay Kiray, gusto niyang maging private ang kanyang personal life para raw walang intriga kaya never niyang sinabi na may boyfriend na siya. Tanggap ng parents ng young comedienne ang relationship nila ni Brix. Kilala namin nang personal ang dyowa ni Kiray, mabait ito, maunawain, at very supportive sa kanya.

Naiintindihan ni Brix ang status ng young comedienne dahil showbiz ang circle of friends nila pareho. Kailangan nitong magtrabaho para sa pamilya at sa magandang kinabukasan ng kanyang mga kapatid.

Walang insecurity si Brix kahit may kissing scene si Kiray sa kanyang naging leading man na sina Derek at Enchong. Alam kasi nito na trabaho lang ang ginagawa ng kanyang one ang only love.

Well, sa trailer pa lang, riot na sa katatawanan ang bawat eksena. Sure kaming blockbuster success ang launching movie ni Kiray Celis with Enchong Dee. Abangan…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING