Kiray Celis, ikinukumpara na kay Jennylyn Mercado

ADVERTISING

Kiray Celis, ikinukumpara na kay Jennylyn Mercado

Kiray Celis
Kiray Celis

Kiray Celis is now being compared to Jennylyn Mercado just because she plays leading lady to yummy leading men.

Matapos makipaglampungan kay Derek Ramsay sa “Love Is Blind”, si Enchong Dee naman ang lalandiin ni Kiray Celis sa “I Love You To Death” ng Regal Entertainment.

“May nagsabi nga sa akin, ‘Wow, iba’t iba ang movie mo, iba’t iba ang lalaki mo at parang si Jennylyn Mercado ‘yung peg mo.’ Ang layo  ko naman kay Jen. Ang dami na niyang napatunayan na movies,” say ni Kiray.

So, sino ang peg niya?

ADVERTISING

“Sarili ko. Gusto ko ‘yung pinupuntahan ang sarili ko hindi ‘yung pinupuntahan ng ibang tao. Walang parang ako. Wala akong gustong sundan. Ang idolo ko sina Eugene Domingo at Ai-Ai delas Alas. Pero hindi ko sila gustong sundan. Kahit ano’ng mangyari, hindi ko sila masusundan. Hindi ko sila susundan, hindi ko kaya ‘yon. Ang gagawin ko, gagawin ko kung ano ang dapat para sa akin. Gusto kong makilala bilang Kiray Celis hindi bilang kasi pineg niya si Ai-Ai, kasi pineg niya si Eugene Domingo, hindi ganoon,” paliwanag pa ng bida ng “I Love You To Death”.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING