Kiray Celis, ginamit lang ang modelong si Kirst Viray

ADVERTISING

Kiray Celis, ginamit lang ang modelong si Kirst Viray

Kiray Celis, ginamit lang ang modelong si Kirst Viray
Kirst Viray and Kiray Celis

NAGPALIWANAG si Kiray Celis sa isyu na ginamit lang siya ng model-turned-actor na si Kirst Viray noon para maging maingay ang pangalan nito sa showbiz.

“Kahit ano namang sabihin ng tao, kung hindi ka naman ginagamit, ginagamit ka pa rin kasi nga parehas kayo ng trabaho.

 “Ang totoo, nakatulong yung isa’t isa para magkaroon kami ng maraming trabaho. Kasi sa totoo lang, ang dami naming naging trabaho nung nagkasama kami, so thankful kami sa isa’t isa,” paliwanag ni Kiray.

“Walang nanggamit at walang nagpagamit because nag-enjoy kami sobra. Walang bitter ha, walang ganun,” dagdag pa niya.

ADVERTISING

Papayag ba siyang gamitin siya ni Kirst?

“Ngayon? Oo naman basta sa trabaho,” sagot niya.

Pagtatapat pa ng singer-comedian, siya raw talaga totoong nanggamit kay Kirst.

“Kung tutuusin, sa mga naging pangyayari sa aming dalawa, nagamit ko talaga si Kirst. Kasi, aminin n’yo ang daming bakla at babae na naiinggit sa akin, na parang, ‘My God, merong boyfriend si Kiray na maganda ang katawan at napakapogi na long hair at tall, dark and handsome pa.’

“So, mas more on nagamit ko si Kirst. Mas ako yung nanggamit,” lahad pa niya.

Kasama si Kiray sa pelikulang My Fairy Tail Love Story na pinagbibidahan nina Janella Salvador at Elmo Magalona under the direction of Perci Intalan na palabas na ngayon sa mga sinehan.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING