Kiray Celis, ‘di pa rin makapaniwalang sinusugalan siya ni Mother Lily Monteverde

ADVERTISING

Kiray Celis, ‘di pa rin makapaniwalang sinusugalan siya ni Mother Lily Monteverde

Mother Lily Monteverde and Kiray Celis
Mother Lily Monteverde and Kiray Celis

Excited si Kiray Celis sa magiging reaction ng manonood ng kanyang pangalawang pelikula sa Regal Films na “I Love You to Death” mamaya sa premiere night ng pelikula na gagawin sa SM Megamall Cinema 7.

“Bukod sa excitement na nararamdaman ko, natatakot din ako kung magugustuhan ba ng tao ang pelikula. Siyempre, malaki ang expectations din ng mga nakapanood nu’ng una na kami ni Derek (Ramsay, “Love is Blind”) ang magkapareha,” sabi ng komedyante.

Kasi naman, ang box-office result ng pelikula nila ni Derek noon ay tunay na hataw sa takilya na siya mismo, hindi niya inaasahan na ganun’ ang magiging pagtanggap ng manonood.

Bago kasi ang timpla ng “I Love You to Death”. Horror na hinaluan ng comedy at romance and this time, guwaping din ang kapareha ni Kiray Celis and no less than Enchong Dee na isa sa mga elusive bachelor natin sa showbiz sa kasalukuyan.

ADVERTISING

“Thankful ako kay Mother Lily Monteverde at kay Ms. Roselle (Monteverde) sa pangalawang pagkakataon na ibinigay nila sa akin. Hindi lahat ng tulad ko ang nabibigyan ng ganitong project. Sino ba naman ako para isugal nila ang kanilang kadatungan para lang sa akin?” pag-e-emote ni Kiray.

Saw the full trailer at laugh trip ang pelikula ng pinakabatang komedyante sa kasalukuyan.

Aminado si Kiray na sa face pa lang niya, matatawa ka na. Pero wait until you see her umagaw ng eksena sa sarili niyang style ng comedy.

Panawagan niya, “Kahit hindi na po kayo manood mamaya sa premiere night, pero dapat promise n’yo na manonood kayo sa July 6 (Wednesday) at happy na ako,” panawagan niya sa kanyang mga supporters.

Ang pelikula ay katatampukan din ng mga baguhang cuties tulad nina Christian Bables and Nico Nicolas.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING