Kiray Celis, bida na rin sa wakas sa pelikulang “Love Is Blind”

ADVERTISING

Kiray Celis, bida na rin sa wakas sa pelikulang "Love Is Blind"

Kiray Celis, bida na rin sa wakas sa pelikulang "Love Is Blind"Kiray Celis started her career in showbiz when she was just only three years old nang sumali siya sa “Munting Miss U” contest ng “Magandang Tanghali Bayan”.

ADVERTISING

“Hindi ako nanalo no’n kasi ang mga kalaban ko ay 7, 10 years old. Pero tanggap ko naman ‘yon, na talunan ako. Hahaha!” masayang pagre-recall ni Kiray Celis.

Naisip ba niya na after her 15 years sa showbiz ay darating pa sa kanya ang chance na magbibida siya sa pelikula tulad sa “Love Is Blind” ng Regal Films?

“Naisip ko rin (laughs). Siyempre pinangarap ko dahil sa tagal ko na rin sa industriyang ito lagi nilang pinapalaki ang ulo ko na ‘magaling ka naman, bakit hindi ka pa maging bida? Hindi ka ba nasasaktan na hindi ka pa nagiging bida?’

ADVERTISING

“Pero ngayon, at least masasabi ko na naging bida rin ako kahit isang beses,” proud na proud niyang pahayag.

Dahil bida na siya, hindi kaya may tendency siya na lumaki ang ulo.

“Malaki na po siya ngayon,” sabay tawa niya nang malakas. “Bata pa lang naman ako, malaki na talaga ang ulo ko. Hahaha!” biro ulit niya.

“Inaasar ko nga ‘yung mga friends ko, sina Ella Cruz, sabi ko pagdating ng Feb. 10 may mga gap na tayong lahat kasi nga siyempre movie ko ‘to, bida ako rito, so sabi ko, ‘pag nagreply ako sa inyo, smiley na lang.’ Sabi nila, ang kapal daw ng mukha ko,” natatawa niyang kuwento.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING